6,634 total views
Nagalak si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pagpili ng mga Pilipino sa mga kandidatong may pagpapahalaga sa mga teritoryong pagmamayari ng Pilipinas.
Ito ay dahil mahalagang maihalal sa 2025 Midterms Elections ang mga kandidatong isinusulong ang kapakanan at kahalagahan ng paninindigan sa West Philippine Sea na patuloy na inaangkin ng China.
Ayon sa Obispo, pagpapakita ito ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa napakahalagang usapin upang mapanumbalik ang kalayaan ng mga uniformmed personnel at mangingisda na magpatrolya at makapaglayag sa teritoryo.
“Magandang balita na ang mga Pilipino ay may kamalayan sa usapin ng West Phil Sea, sana suriin nila ng mabuti ang paninindigan ng mga senators at congress people tungkol dito,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Ito ang mensahe ni Bishop Pabillo sa survey ng Social Weathers Stations (SWS) na 78% ng mga Pilipino ay iboboto ang mga kandidato sa midterms election na naninindigan para sa West Philippines Sea.
Unang nakasama ni Bishop Pabillo ang mga North Luzon Bishops ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paninindigan para sa West Philippines Sea.
Bukod sa soberanya, mahalagang maibalik ang malayang paglalayag ng mga Pilipino sa teritoryong patuloy na inaangkin ng China.
Unang kinilala ng West Philippine Sea: Atin Ito Movement ang survey ng SWS higit na ang pakikiisa ng simbahang katolika sa mga pagkilos para sa paninindigan sa West Philippine Sea.