Hesus, gawing sentro ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Simbang Gabi (Misa de Gallo) sa San Jose Manggagawa parish church, Tondo, Manila.

Ipinaalala ng Kardinal sa mamamayan na panatilihin si Hesus na sentro ng buhay dahil siya ang pinakamagandang regalo mayroon tayo ngayon.

Ikinalulungkot ni Cardinal Tagle na unti-unti nang napapalitan ng mga materyal na bagay ang selebrasyon ng Pasko sa kasalukuyan.

Mensahe ng Kardinal, napapalitan na ng sobre, bonus, mamahaling cellphone, magagandang damit,mamahaling palamuti at masasarap na pagkain ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino.

“Napakalungkot na ipinagpalit si Hesus. Iyon po ang unang aral sa atin. Sa isang linggo Pasko na, talaga bang tatanggapin natin si Hesus, ang Emmanuel, ang Diyos sa piling natin? Kasi po para tayong si Haring Acaz kapag sinabing Pasko, ang gusto natin sobre, bonus, regalo, bagong damit, bagong cellphone, sana may hamon, sana mayroong keso, hindi ko sinasabing masama lahat yan. Pero kung minsan iyan ang kinakapitan, si Hesus balewala.”paglilinaw ni Cardinal Tagle

Nilinaw ni Cardinal Tagle na dapat tayong maging katulad ni San Jose at Maria na pinahalagahan ang ibinigay na regalong buhay ng Diyos na si Hesus sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon.

“Si Hesus ay dumating noong unang pasko na hindi inaasahan ng kanyang mga naging magulang at sa panahon dapat tayong maging katulad ni San Jose at Maria na pinahalagahan ang regalong buhay na ibinigay ng Diyos sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon.”dagdag pahayag ni Cardinal Tagle

Nanawagan ang Kardinal sa mga mananampalataya na igalang ang buhay na espesyal na regalo ng Panginoon tulad ng buhay sa sinapupunan at mga itinuturing na salot ng lipunan.

“Halimbawa dalawa na ang anak niyo,tapos nadiskubre niyo nagdadalantao,sasabihin niyo wala sa plano. Wala sa plano ano gagawin mo? Ipalaglag mo ang bata? Wala nga sa plano mo pero baka regalo iyan ng Diyos.Ikaw ba ay makakalikha ng buhay? Igalang iyang buhay, igalang yan! Lahat ba parang nakakasira sa panlasa natin ay kailangang sugpuin o baka dapat tingnan, marahil mayroong pinapadala ang Diyos na misyon sa atin. Kailangan ng pananaw, ng pananamplataya katulad ni Jose”.pahayag ng Kardinal

Tiniyak ni Cardinal Tagle na si Hesus ay dumarating sa hindi inaasahang pamamaraan para magbigay ng pag-asa sa mga nananalig at hindi napanghihinaan ng loob.

Kaugnay nito, nanawagan si CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mamamayan na itakwil ang kultura ng kamatayan  ngayong pasko.

read: http://www.veritas846.ph/itakwil-ang-kultura-ng-kamatayan-ngayong-pasko-bp-pabillo/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,330 total reads

 77,330 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,563 total reads

 155,563 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,010 total reads

 189,010 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,307 total reads

 224,307 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,746 total reads

 447,746 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 95,643 total reads

 95,643 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 73,194 total reads

 73,194 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 111,676 total reads

 111,676 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top