Higit sa benepisyo at pribiliheyo para sa mga PWD

SHARE THE TRUTH

 523 total views

Mga Kapanalig, pamilyar ba sa inyo ang awiting “Bulag, Pipi at Bingi” ni Freddie Aguilar? Ang unang berso ng awit ay tumutukoy sa mga bulag: “Madilim ang ‘yong paligid, hatinggabing walang hanggan. Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan. Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan. Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan”. Ang mga pipi naman, ayon pa sa awit: “Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin. Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin. Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.” Samantala, ang ikatlong berso ay nakatuon naman sa mga bingi: “Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga? Matahimik mong paligid, awitan ay ‘di madinig. Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo. Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.”

Mapalad nga ba ang mga hindi nakakikita, hindi nakakapagsalita, at hindi nakaririnig? Sa panahon natin ngayon at sa gulo ng ating paligid, mukhang mapalad nga sila. Hindi nila nakikita ang karahasan. Hindi nila nagagawang makipagsagutan sa kanilang mga kaanak o kaibigang salungat ang opinyon sa mga bagay-bagay. Hindi nila naririnig ang mga masasakit at kung minsan ay bastos na pananalita ng kanilang kapwa sa isa’t isa.

Ngunit marami ring magaganda at mabubuting bagay na hindi nila maranasan: Hindi nila nakikita ang magagandang tanawin sa ating bayan. Hindi nila naibubulalas ang kanilang pagmamahal sa taong sinisinta. Hindi nila naririnig ang tawanan ng magkakaibigan.

Hindi lamang mga magagandang karanasan ang naipagkakait sa mga taong bulag, pipi, at bingi, gayundin sa mga pilay, may kulang na bahagi ng katawan, o kakulangan sa pag-iisip. Hanggang ngayon, kabilang ang mga persons with disability o PWD sa mga kababayan nating may maliit na puwang sa maraming larangan ng ating lipunan at modernong pamumuhay. Kakaunti ang mga trabahong angkop sa kanilang kakayanan. Hindi sapat ang mga pasilidad upang matiwasay silang makakilos o makapaglibang—gaya na lamang ng mga sirang elevators sa ating mga istasyon ng tren. Tampulan pa rin sila ng tukso at pangungutya ng publiko, gaya ng madalas nating napapanood sa TV.

Sa isang pahayag na inihanda ng Simbahang Katolika bilang paghahanda sa Jubilee Day noong taóng 2000, binigyang-diin na ang kapansanan o disability ng isang tao ay hindi dapat tingnan bilang kaparusahan. Inihaharap sa atin ng mga taong may kapansanan ang mga tanong tungkol sa kung ano nga ba ang “normal” sa isang lipunan, at sa pamamagitan nito, nahahamon tayong alamin kung anu-ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay na ganap para sa isang tao. Bitbit nila ang Kristyanong mensahe ng pakikipag-ugnayan natin sa Panginoong lumikha at nagbigay sa atin ng ating dignidad. Hindi binabawasan ng anumang kapansanan ang dignidad ng isang tao.

Kaya naman, maituturing na magandang balita para sa mga kapatid nating PWD ang pagpirma ng kalihim ng DSWD na si Judy Taguiwalo sa implementing rules and regulations o IRR ng Republic Act 10754. Pinapalawig ng nasabing batas ang mga benepisyo at pribiliheyo ng mga PWD, kabilang ang hindi na pagbabayad ng 12% value added tax o VAT sa mga piling serbisyo. Maagang pamasko ito para sa ating mga kababayang may kapansanan.

Ngunit huwag sanang matapos sa pagbibigay sa kanila ng exemptions o discount ang ating pagkilala sa dignidad ng mga PWD. Mga Kapanalig, ngayong International Day of Persons with Disability at sa pagsisimula ng panahon ng Adbiyento, nawa’y lumawak at lumalim pa ang ating pagkilala sa mga kababayan nating iba man ang pisikal na anyo o kakayanan ay katulad nating lahat, mga anak ng Diyos na buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 30,542 total views

 30,542 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 42,188 total views

 42,188 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 51,435 total views

 51,435 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 57,232 total views

 57,232 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 69,620 total views

 69,620 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 30,544 total views

 30,544 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 42,190 total views

 42,190 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 51,437 total views

 51,437 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 57,234 total views

 57,234 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 69,622 total views

 69,622 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 57,382 total views

 57,382 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 92,593 total views

 92,593 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 138,431 total views

 138,431 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 139,449 total views

 139,449 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 113,215 total views

 113,215 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 110,274 total views

 110,274 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 111,316 total views

 111,316 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 115,745 total views

 115,745 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 129,945 total views

 129,945 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 140,398 total views

 140,398 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top