Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi Death Penalty ang Solusyon

SHARE THE TRUTH

 547 total views

Mga Kapanalig, siguro po ay rinding-rindi na kayo sa mga balita tungkol sa krimen—ang mga akyat-bahay gang, martilyo gang, mga riding-in-tandem, mga nanggagahasa ng mga bata at pasahero ng taxi, at iba’t ibang kabulastugan ng huhulisa CCTV. Nariyan din ang kaliwa’t kanang pag-raid sa mga pagawaan ng iligal na droga at pagdakip sa mga nagtutulak nito.Ang mga ito po ang inihahain sa atin araw-araw ng media, kasabay ng ating agahan, tanghalian, at hapunan. At hindi natin maiiwasang matakot at mangamba para sa ating mga sarili at pamilya.

At mukhang tagumpay ang mass media sa pagpapalaganap ng paniniwala at pakiramdam na hindi naligtas ang mabuhay sa Pilipinas. Maging ang isang pari, sakanyang mismong homiliya, ay nagbitiw kamakailan na may listahan na ang kanilang diosesis ng mga kriminal na nais nilang ipapatay sa isang kandidatong nangangako ng agarang pagsugpo sa krimen sakaling siya ang manalo. Pero, joke lang daw po iyon.

Gaya ng rape, ang pagkitil ng buhay ng tao ay hindi dapat gawing biro. Higit sa lahat, hindi ito maka-Kristiyano. Nakalulungkot, mga Kapanalig, na napakadali para sailan nating kababayan—kabilang ang mga Katoliko—na sabihin ang epektibong solusyon sa kriminalidad at droga ay ang pagpatay sa mga lumalabag sa batas sapamamagitan ng capital punishment o death penalty.

Kumplikado ang isyu ng kriminalidad, gayundin ang pagpapataw ng angkop naparusa sa mga nagkakasala at paggagawad ng katarungan sa mga nagawan ng masama at mali. Ngunit malinaw po sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na higit sa lahat, ang buhay ng tao,naka loob sa atin ng Panginoon, ay dapat nating igalang, pangalagaan, at ipaglaban.
Sa kanyang encyclical na The Gospel of Life, binigyang-diin ni St John Paul II na ang dangal ng buhay ng isang tao ay hindi kailaman dapat ipagkait sa kanya, kahit pa siya ay nakagawa ng kasamaan. Maraming paraan para gawing ligtas ang mga mamamayan nang hindi nangangailangang tanggalan ang mga nakagawa ng krimenng pagkakataong magsisi at magbago.

Ganito rin ang diwa ng isang pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP noong 1992. Inilabas ito sa harap ng panawagan noon kay dating Pangulong Ramos na muling ipatawang death penalty.
Bagama’t mahigit dalawang dekada na ang nakalipas mula nang ilabas ang pahayag, ang mga nabanggit nitong alternatibo sa death penalty ay kayang-kaya pa ring gawin. Ang kailangan natin ay isang sistemang pangkatarungan na hindi pinatatakbo ng mga tiwaling husgado at abugado. Ang pag huling kapulisan sa mga gumagawa ng krimen ay kailangang gawing mabilis at epektibo. Ang mga nagpapalakad ng ating mga bilangguan ay dapat nawalang takot naipinatutupad ang mga patakaran;hindi sila dapat magpaalipin sa mga bilanggong may pera at makapangyarihan. Ilan lamang ito sa mga bagay na kailangan ng reporma. Ito ang mga dapat hangarín ng isang lipunang makatao, sibilisado, at demokratiko.

Bilang mga taga sunod ni Hesus, tungkulin po nating hindi lamang ang isulong ang paggalang sa buhay kundi ang mag paabot ng awa, pag-unawa, at paghilom sa mga taong nakagawa ng mali. Mga Kapanalig, paano po natin itataguyod ang buhay, kung tayo ay susuporta sa mga hakbang na sumisira sa buhay, gaya ng death penalty?
Ngayong darating na halalan, alalahanin nating ang anumang posisyon sa pamahalaan ay kapwa “character AND competence”. Kung ang isang kandidato ay handang pumatay, anong sinasabi nito sakanyang karakter? Kung ang paraan ng pagwawasto niya ng mali ay sapamamagitan ng pagkitil sa buhay ng tao, kakayahan ba itong matatawag?
Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,533 total views

 5,533 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 22,120 total views

 22,120 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,489 total views

 23,489 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 31,137 total views

 31,137 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,641 total views

 36,641 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 5,534 total views

 5,534 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 22,121 total views

 22,121 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 23,490 total views

 23,490 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 31,138 total views

 31,138 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 36,642 total views

 36,642 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 43,503 total views

 43,503 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 79,049 total views

 79,049 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 87,926 total views

 87,926 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 99,004 total views

 99,004 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 121,413 total views

 121,413 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 140,131 total views

 140,131 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 147,880 total views

 147,880 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 156,051 total views

 156,051 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 170,532 total views

 170,532 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top