Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Emeritus Labayen, pumanaw

SHARE THE TRUTH

 375 total views

Nakikiramay ang Order of Carmelite Discalced (OCD) sa pagpanaw ng itinuturing na kauna-unahang Pilipinong obispo ng Carmelo na si Bishop Julio Xavier Labayen, OCD sa edad na 90.

Ayon kay Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Trirona, OCD biyayang maituturing ng Pilipinas ang buhay ni Prelatura ng Infanta Bishop Emeritus Labayen lalo na sa kanyang paglilingkod sa mga dukha.

Si Infanta Bishop Emeritus ay isinilang sa Talisay, Negros Occidental noong Hulyo 23, 1926 at naordinahang pari taong 1955.

Siya ay itinalaga bilang Obispo ng Prelatura ng Infanta ni Pope Paul VI noong 1986 at nagretiro taong 2003 kung saan humalili naman bilang Obispo ng Infanta si Bishop Tirona na kasalukuyang Arsobispo ng Caseres.

Naglingkod din si Bishop Labayen sa social action apostolate sa bansa mula taong 1966 hanggang 1982 at pinamunuan rin nito ang Federation of Asian Bishops’ Conferences’ Office Human Development mula taong 1972 hanggnag 1978.

Magugunita na inihain ni Bishop Labayen ang kanIyang pormal na liham sa pagreretiro sa Holy See noong July 24, 2001.

Paliwanag pa ni Archbishop Tirona namuhay si Bishop Labayen ng may pagmamahal at tapat na paglilingkod lalo na sa mga katutubong dumagat sa Infanta, Quezon at sa pagtatanggol ng kalikasan.

“The Philippine church in the Philippines in the prelature of Infanta has been blessed with the person and ministry of Bishop Labayen especially his vision of the Chruch of the Poor. He lived a dedicated life serving and loving the church especially the poor. May he rest in peace,” bahagi ng pahayag ng pakikiramay ni Archbishop Tirona sa Prelatura ng Infanta.

Si Bishop Labayen ay nagsilbi ng 40 taon sa Prelature ng Infanta.

Pumanaw si Bishop Labayen kaninang ganap na alas – 6:52 ng umaga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,611 total views

 16,611 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,571 total views

 30,571 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,723 total views

 47,723 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,907 total views

 97,907 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,827 total views

 113,827 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 68,152 total views

 68,152 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,967 total views

 93,967 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,507 total views

 133,507 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top