Hindi iba sa atin ang mga migrante

SHARE THE TRUTH

 628 total views

Mga Kapanalig, ngayon ay International Migrants Day o Pandaigdigang Araw ng mga Migrante. Itinuturing na migrante ang mga taong lumilipat sa ibang lugar upang magkaroon ng maayos na hanapbuhay at edukasyon o kaya naman ay upang makasama ang kanilang pamilya.

Maraming hamon ang kinakaharap ng mga migrante sa iba’t ibang panig ng mundo, gaya ng ating mga overseas Filipino workers o OFWs. Noong 2017, halos 2.3 milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa ibang bansa, at mga babae ang karamihan sa kanila. Pinakamarami ang nagtungo sa Saudi Arabia, United Arab Emirates o UAE, at Hong Kong upang mamasukan bilang mga domestic helpers o mga trabahador. At lantad sila sa panganib sa kanilang paghahanapbuhay. Maaari silang abusuhin at pagsamantalahan ng kanilang employer, gaya ng nangyari kay Jennifer Dalquez, isang OFW sa UAE. Napatay niya ang kanyang employer nang ipagtanggol niya ang kanyang sarili laban sa tangkang panghahalay sa kanya noong 2014. Nakulong si Jennifer at nahatulan ng bitay noong 2015. Ngunit napawalang sala siya matapos ang dalawang taon, at noong nakaraang buwan ay pinayagan na siyang makauwi sa ating bansa. Malaking tulong ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa pamahalaang UAE, at ang pagbibigay nito ng legal na ayuda sa ating kababayan. Patunay itong malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pagtataguyod ng ating karapatan kahit pa migrante tayo sa ibang bansa.

Sa Amerika naman, libu-libong pamilya mula sa Central America ang tumatawid sa US-Mexico border upang makarating sa bansang sa kanilang pananaw ay makapagbibigay sa kanila ng mas maayos na buhay. Wala na kasi silang nakikitang pag-asang umulad ang kanilang pamilya sa sarili nilang bayan dahil sa katiwalian sa kanilang pamahalaan at laganap na karahasan. Nito lamang Nobyembre, halos 7,500 migrante, kabilang ang mga bata, mula Honduras at Guatemala ang nagsagawa ng caravan patungong Estados Unidos. Ngunit hindi sila tanggap ng marami sa Estados Unidos sa pangunguna ng kanilang pangulong si Donald Trump. Ginawang mas mahigpit ang pagbabantay sa border ng Amerika, kahit pa humantong ito sa paghihiwa-hiwalay ng mga magkakapamilya at pananakit kahit pa sa mga bata. Marami na nga ang pumupuna sa hindi makataong pagtrato ng Amerika sa mga migrante mula sa mga kalapit nilang bansa.

Makatulong sana sa pagtitiyak na mapangangalagaan ang karapatan ng mga migrante ang pagpapatibay ng mga kasapi ng United Nations sa Global Compact for Safe, Orderly and Regular Migration noong nakaraang linggo sa Morocco. Inilalatag ng kasunduang ito ang 23 layunin upang gawing mas madali ang pagiging legal ng mga migrante at gawing mas makatao ang paglipat-lipat ng halos 250 milyong tao sa iba’t ibang bansa. Binibigyang-diin din sa kasunduan ang karapatan sa pagkakaroon ng batayang serbisyo ng mga migrante, legal man o ilegal silang pumasok sa isang bansa. Sinasabi rin sa kasunduan ang pagpapadali ng pagsasamang muli ng mga nagkawalay na magkakapamilya. Itinatakda rin nito ang mekanismo ng paglilipat ng mga social security. Mahalagang hakbang ito para sa mga migrante, ngunit hindi sang-ayon rito ang lahat ng kasapi ng UN, katulad ng Estados Unidos na tumutol na bago pa man maisapinal ang kasunduan.

Mga Kapanalig, kabilang ang mga migrante sa mga kapatid nating mabilis isantabi sa lipunan, kaya’t para kay Pope Francis, tungkulin nating mga Kristiyanong abutan sila ng malasakit o compassion. At sa kaibuturan ng pagmamalasakit na ito ang pagturing sa mga migrante—anuman ang kanilang malalim na dahilan sa pagpasok sa ibang bansa—bilang hindi iba sa atin. Apat na hakbang ang kinakailangan: welcoming o pagtanggap, protecting o pangangalaga, promoting o pagtataguyod ng kanilang pangkabuuang paglago bilang tao, at integrating o pagsama sa kanila sa ating komunidad. Sa madaling salita, pag-ibig sa kapwa ang mag-uudyok sa ating pagmalasakitan sila.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 57,768 total views

 57,768 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 61,747 total views

 61,747 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 72,639 total views

 72,639 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 85,081 total views

 85,081 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 95,843 total views

 95,843 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 57,769 total views

 57,769 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 61,748 total views

 61,748 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 72,640 total views

 72,640 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 85,082 total views

 85,082 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 95,844 total views

 95,844 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,072 total views

 51,072 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,617 total views

 50,617 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 52,841 total views

 52,841 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,341 total views

 46,341 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,692 total views

 45,692 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,560 total views

 51,560 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,306 total views

 55,306 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,256 total views

 61,256 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,443 total views

 41,443 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,562 total views

 52,562 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top