Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi sapat ang tapang kontra terorismo

SHARE THE TRUTH

 330 total views

Mga Kapanalig, nagbanta ang Philippine National Police o PNP na biláng na raw ang mga araw ng grupong Abu Sayyaf. Matatandaang noong Martes Santo, inatake ng bandidong grupo ang bayan ng Inabanga sa Bohol, at sa kanilang engkuwentro sa mga pulis at mga sundalo, apat na miyembro ng Abu Sayyaf, tatlong sundalo, at isang pulis ang namatay. May dalawang matandang sibilyan ang nadamay at nasawi sa bakbakan.

Bahagi na ng kasaysayan ng mundo ang karahasan, at ang mukha nito sa kasalukuyang panahon ay ang terorismo. Matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang maraming grupong binuo na may layuning maghasik ng lagim. Mayroong ilang gumagamit ng karahasan upang kumita sa pamamagitan ng pagkidnap, at ganito ang tingin ng ating pamahalaan sa grupong Abu Sayyaf. Mahirap alamin kung ano talaga ang nag-uudyok sa mga terorista para gumawa ng karumal-dumal na gawain, ngunit ang malinaw ay ang pagkapit nila sa karahasang labag sa dangal ng tao at sa kalooban ng Diyos. Hindi kailanman magiging matuwid ang anumang layuning nakasalalay sa dahas. Violence can never be justified.

Nanawagan na ang Diosesis ng Talibon sa Bohol sa mga nasasakupan nito na manatiling mahinahon at mapagmasid, lalo pa’t may mga pinaghahanap pang kasapi ng Abu Sayyaf sa Inabanga. Patuloy daw silang magtiwala sa militar. Kabaligtaran naman ang naging payo ng ating pangulo sa mga taga-Inabanga. Hinimok niya ang mga ito na mag-armas at patayin ang mga bandido kapag makita nila ang mga ito. May isang milyong pabuya rin ang pamahalaan sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf na kanilang madadakip, ngunit mas gusto ng pangulong patay na ang mga ito. Problema pa raw niyang pakainin ang mga ito kung sila ay hahayaan pang mabuhay.

Ilang administrasyon na rin ang nagdaan ngunit nariyan pa rin ang Abu Sayyaf—nangingidnap, nangingikil, at pumapatay ng mga inosente. May isang dating pangulong nagsabing pupulbusin niya ang mga ito. At ngayon nga, mga sibilyan naman ang pinag-aarmas na ng ating pangulo. Sinukuan na ba niya ang kakayahan ng ating mga sundalo’t pulis upang lutasin ang problemang ito? Inutusan niya ang Hukbong Pandagat o Navy na pasabugan ang mga bandido sa karagatan. Hindi rin siya magdadalawang-isip na paulanan ng bomba ang Jolo kung hahantong daw sa puntong malalagay sa alanganin ang katahimikan ng buong bansa.

Hindi kaya’t mas makatutulong kung ang tapang sa salita ay tatapatan ng pagpapahusay ng kakayahan ng Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan sa pagkalap ng datos at impormasyon tungkol sa mga kilos ng Abu Sayyaf, hindi lamang upang mapigilan ang kanilang masasamang gawain kundi upang matukoy talaga ang pinagmumulan ng kanilang kakayanang maghasik ng lagim? Kailangang tapatan ng mahusay na intelligence at counterterrorism capabilities ang tapang na baka hanggang salita na lang kung walang malinaw at maayos na plano.

Higit sa lahat, ang pagsugpo sa terorismo ay hindi lamang nakasalalay sa ating mga pulis at sundalo. Sa pangmatagalan, kailangan ding tutukan ang mga komunidad upang tugunan ang mga kundisyong nagtutulak sa ilan nating kababayan na kumapit sa patalim at sumali sa mga bandidong grupong gaya ng Abu Sayyaf. Hindi na natin kailangan pagtalunan ang katotohanang umuusbong ang karahasan sa mga lugar na napag-iiwanan ng mga serbisyo at oportunidad upang umunlad sa buhay. Poverty begets violence.

Mga Kapanalig, isama po natin sa ating mga panalangin ang mga tagapangalaga ng kaligtasan at kapayapaan sa ating bayan. Gayundin, huwag nating kalimutang ipagdasal ang mga kapatid nating nabubulag sa terorismo. Gayunman, dapat na malinaw sa atin ang kamalian ng karahasang kanilang ginagawa. Krimen ang terorismo, at walang Kristiyanong dapat ipagtanggol ito. Bagamat hindi natin ipinagsasalwambahala ang banta ng terorismo, mas pagpursigihin dapat ng pamahalaan ang pangmatagalang istratehiyang susupil sa anumang aakit sa sinumang tahakin ang daan ng karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,438 total views

 4,438 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 17,578 total views

 17,578 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 23,551 total views

 23,551 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,306 total views

 29,306 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 36,568 total views

 36,568 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,439 total views

 4,439 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 17,579 total views

 17,579 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 23,552 total views

 23,552 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 29,307 total views

 29,307 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 36,569 total views

 36,569 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,947 total views

 40,947 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,328 total views

 36,328 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,332 total views

 48,332 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,374 total views

 56,374 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,931 total views

 47,931 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,356 total views

 46,356 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,142 total views

 48,142 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,067 total views

 45,067 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,381 total views

 59,381 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,071 total views

 63,071 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top