Hindi tama sa bullying ang manood lang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 862 total reads

Hindi dapat maging kaugalian ng mamamayan na manuod lamang at hindi makialam sa mga maling nagaganap sa kanyang kapaligiran.

Ito ang binigyang diin ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa usapin ng bullying kasunod ng viral na video sa Social Media na pananakit ng isang estudyante sa kanyang kapwa estudyante.

Inihayag ng Obispo na isa sa mga paraan upang maiwasan ang bullying ay ang pakikialam at pakikisangkot upang maitama o maprotektahan ang mga minamaliit, inaapi at sinasaktan ng mga bully na ginagamit ang kanilang mga kakayahan, lakas at kaalaman upang manakit ng kapwa.

Hinimok ni Bishop David ang lahat na kumilos upang maitama ang mga mali hindi lamang sa sitwasyon ng bullying kundi lalo’t higit sa sitwasyon ng bayan kung saan naaagrabyado ang mismong mamamayan.

“Hindi tama sa sitwasyon ng bullying ang manuod lang tayo, nakita din natin doon sa video na merong mga kaklase na nandoon, naging saksi sila doon sa pambu-bully na ginagawa pero tumabi lang sila, yung iba lumabas ayaw nilang makita, ayaw nilang masangkot usong-uso ngayon yan yung kawalan ng pakialam, yung trend sitter nanunuod lang na para bang wala tayong kinalaman hindi pwede yun kung halimbawa ang pambubully na ating nararanasan ay hindi lang isa o dalawang tao kundi buong bayan ang tinatamaan, ano po…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang bullying o ang pananakit, pananakot at pang-aapi sa mga mahihina at mga walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Nagpahayag rin ng pagkadismaya si Bishop David na makita ang isang kabataan na umaastang bully, na nagtatapang-tapangan, nagsisiga-sigaan at nananakit ng kapwa sa murang edad pa lamang.

“Parang nakapanglulumo kapag ang mga kabataan natin ay umaasta na ring parang mga Bully, parang nagtatapang-tapangan, nagsisiga-sigaan at kinakawawa yung mga kaya-kaya nila na nakikita nilang mahihina at pwede nilang i-take advantage, ang bullying ay hindi tama kahit kailan…” pahayag ni Bishop David.

Hinimok ni Bishop David ang bawat isa na huwag magpadaig sa takot sa gitna ng ano pa mang panggigipit o pang-aapi.

Nilinaw ng Obispo na ang takot ang isa sa dapat na paglabanan ng bawat isa lalo na sa usapin ng bullying o pang-aapi.

Nanindigan ni Bishop David na sa oras na manaig ang takot ay mawawalan na rin ng lakas ng loob ang sinuman na ipagtanggol ang kanyang sarili.

“Hindi tama na magpatalo sa takot, sa harap ng isang bully napakahalaga pala na panindigan natin ang tama, ang totoo at nararapat, huwag natin yung isusuko kahit kailan, ang kalaban sa bullying parati ay yung takot, kapag tayo pinamayanihan ng takot tatahimik nalang tayo, manunuod nalang tayo at parang wala lang kahit tayo’y inaabuso na…” paglilinaw ni Bishop David.

Kaugnay nito, marami ang nagalit kasunod ng pagkalat sa Social Media ng videos ng bullying incident ng isang mag-aaral ng Ateneo De Manila University.

Nanawagan naman ang Department of Education sa mga mambabatas upang pag-aralan at suriin ang batas tungkol sa bullying sa mga paaralan.

Ipinaliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones na hindi sapat ang pagpapataw ng dismisal sa paaralan tulad ng sinapit ng estudyanteng nasa viral video sapagkat hindi pa rin nito maitatama at masusulusyunan ang maling pag-uugali at asal ng batang bully.

Sinasabi sa Katesismo na isa sa pangunahing karapatan ng bawat kabataan ang makapag-aral upang maayos na mahubog ang kamalayan at malinang ang kanilang mga kaalaman na kanilang kakailanganin sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 80,770 total reads

 80,770 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 182,527 total reads

 182,527 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 219,315 total reads

 219,315 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 249,890 total reads

 249,890 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 294,985 total reads

 294,985 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top