Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 376 total views

Feast of Sto Nino Holy Childhood Day Cycle A

Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Mt 18:1-5.10

“Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Ang tanong na ito kay Jesus ng mga alagad ay siya ring tanong natin. Palagi tayong naghahanap tayo ng daan tungo sa kadakilaan pati na sa langit! Nakakabigla ang sagot ni Jesus. Ang dakila ay ang maliit. Less is more. Ang bata ay hindi lang ang dakila. Kailangan tayong tumulad sa mga bata upang makapasok sa kaharian ng langit. Mabigat ang salita ni Jesus: “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos!” Mas lalong matularan natin ang bata, mas dumadakila tayo sa mata ng Diyos.

Ano ba ang katangian ng pagkabata na mahalaga sa Diyos? Ang bata ay hindi nagmamalaki, hindi nagmamayabang, at siya ay mapagtiwala. Wala siyang tinatago kaya hindi siya mapagkunwari. Kailangan natin ang mga katangiang ito sa ating pakikitungo sa Diyos. Malakas ba ang ating tiwala sa Diyos? Umaasa ba tayo sa kanya? Sumusunod ba tayo sa kanya? Ang kasalanan ay pagmamayabang na mali ang Diyos at hindi tayo magiging maligaya kung susunod tayo sa kanya.

Ang pagiging maliit at mapagtiwala ang kadakilaan ng mga bata at iyan din ang kahinaan niya. Dahil sa mahina sila, maliit at mapagtiwala madali silang linlangin, utuin at abusuhin. Kaya sinasabi din ni Jesus na huwag nating hamakin ang mga ito. Ganoon kasama ang pag-aabuso sa mga bata na sabi niya na mas mabuti pang itapon sa dagat na may nakataling malaking bato sa kanyang liig ang gumagawa ng masama at nagbibigay ng masamang halimbawa sa isang bata. Marupok ang mga bata. Pagkaingatan natin sila. Ang sugat at ang lamat na natatanggap nila sa murang edad ay dala-dala nila sa kanilang buhay. Sinasabi ng mga psychiatrist na maraming mga issue natin sa buhay ay nanggaling sa pagtrato sa atin noong tayo ay bata pa.

Malakas ang debosyon nating mga Pilipino kay Jesus na nino, kay Jesus na bata. Kaya ngayong araw ang daming fiesta ng Sto Nino sa buong bansa at kahit na sa ibang bansa kung nasaan ang mga Pilipino. Marahil dahil din ito sa katangian nating mga Pilipino na malambot ang ating puso sa mga bata. Naaakit tayo sa kanila. Naaakit tayo sa Panginoong Jesus bilang bata. Hindi tayo natatakot sa kanya. Pero tandaan natin na dahil si Jesus ay bata huwag lang natin siyang pag-laru-laruan. Huwag natin siyang utu-utuin. Bata nga siya ngunit siya ay ang ating Panginoon. Kaya malahari ang kanyang damit. May korona siya at hawak niya ang setro, isang baston na nagpapahiwatig ng kanyang kapangyarihan. Hawak niya ang daigdig sa kanyang kamay.

Bata siya pero hari siya. Ang kanyang paghahari ay hindi nakakasindak. Hindi siya nakakatakot. Nagdadala siya ng katarungan at katwiran hindi sa pamamagitan ng pananakot kundi ng pang-aakit at ng pagmamahal. Kaya nga kahit na bata si Jesus, sundin at tularan natin siya. Iyan din ang hamon sa atin ng Sto Nino.

Kailangan natin ang hamong ito kasi kahit na katangian nating mga Pilipino na maging malapit sa mga bata, dito sa ating bayan mayroon ding nangyayari ng pang-aabuso sa kanila. Isang madalas na pang-aabuso sa mga bata ay ang pagsisigaw at pagmumura sa kanila. Dahil sa kanilang murang edad nakatatak sa kanila ang tinatawag natin sa kanila. Naaapektuhan ang kanilang paningin sa kanilang sarili kung tinatawag natin silang tanga, tamad, walang pakinabang, pasaway o pini-PI pa. Nandiyan din ang physical abuse.

Oo kailangan ng disiplina ang mga bata pero hindi sa paraang violente o madahas, lalo na kung walang paliwanag bakit sila pinapalo o kinukurot. Huwag natin ibunton ang ating galit o hinanakit sa mga bata. Sinabi ni Jesus: “Ang sinumang tumatanggap sa isang bata dahil sa akin, ako ang tinatanggap.” Isipin natin sa ating pag-aalaga ng mga bata na si Jesus ang inaalagaan natin. Kaya ang mga nag-aalaga ng mga bata – mga magulang, mga lola at lolo, mga ate at kuya at mga yaya – palagi kayong tumawag sa Santa Maria at kay San Jose na tulungan kayo paano mag-alaga sa mga maliliit tulad ng pag-alaga nila kay Nino Jesus.

Mabuti ang pagpalaki ng Banal na Mag-asawa kay Jesus. May disiplina si Jesus sa sarili at matiisin siya dahil sa kanyang mga magulang. Bata pa si Jesus gusto na niyang mapalalim ang kanyang kaalaman sa Bibliya kaya nagpaiwan siya sa templo. Saan nanggaling ito? Sa kanyang mga magulang. Ang pagiging matulungin niya sa mga mahihirap ay nanggaling din sa kanila. Oo, si Jesus ay Diyos pero siya ay tunay ding tao at ang pagkatao niya ay hinubog ng kanyang mga magulang. Humingi tayo ng tulong kay Maria at Jose paano palakihin ang mga anak natin tulad ng pagpalaki nila kay Santo Nino.

Ang isang maaaring makatulong o makapinsala sa pagpapalaki ng ating mga anak ay ang cell phone o ang TV. Huwag nating pabayaan ang mga bata na may cell phone o sa harap ng TV. Akala natin ok ang ating mga anak sa harap ng TV o sa panonood sa cell phone kasi tahimik sila. Ano ang pinanunuod nila? Hindi ba natin alam na na-aabsorb, hinihigop nila ang kanilang nakikita at naririnig doon? Kung violence, kalaswaan o pagmumura ang napapanood nila, iyan ang magiging laman ng utak nila at wala pa silang kakayahang salain ang mabuti at masama. Kaya pagkaingatan natin ang nag-iinfluensiya sa mga bata.

Ang isang mabuting influensiya sa mga bata ay ang pagkukwentuhan sa bahay. Hindi ako lumaki na may telebisyon. Sa probinsiya ako lumaki at dumating ang telebisyon doon ng fourth year high school na ako. Ang magandang mga ala-ala ko ay ang pagkukuwentuhan namin ng nanay ko, ng mga kapatid at kasambahay sa gabi. Gusto kong pakinggan ang mga pangyayari sa aming mga pinsan at mga tito at tita. Doon ko nakilala ang aking extended family. Tinuturuan kami ng aming tatay ng mga asal sa mga kwentuhan sa lamesa kapag kami ay samasamang kumakain. Nandiyan naiinfluensiyahan natin ang mga bata, sa ating mga kwentuhan.

Gusto nating ibigay ang the best sa mga anak natin. Isang the best na mabibigay natin sa mga bata ay ang ating pananampalataya. Imulat natin sila na nagdadasal. Kwentuhan natin sila tungkol sa Diyos at tungkol sa Bible. Dalhin natin sila sa simbahan at isama sa gawain ng simbahan. Hikayatin natin sila na sumama sa katesismo sa simbahan at sa school. Ipakilala natin sila kay Sto Nino. Si Jesus ay kababata din nila. Ipaubaya natin sila kay Sto Nino at turuan silang kausapin si Jesus. Pangarapin natin na ang mga bata ay maging tulad din ng Sto Nino.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,474 total views

 5,474 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 20,242 total views

 20,242 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 27,365 total views

 27,365 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 34,568 total views

 34,568 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 39,922 total views

 39,922 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 784 total views

 784 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 2,098 total views

 2,098 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 4,828 total views

 4,828 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 6,013 total views

 6,013 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,493 total views

 7,493 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 9,904 total views

 9,904 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 13,189 total views

 13,189 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 15,623 total views

 15,623 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 17,483 total views

 17,483 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 19,793 total views

 19,793 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 25,920 total views

 25,920 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 24,049 total views

 24,049 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 26,332 total views

 26,332 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 29,238 total views

 29,238 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 30,177 total views

 30,177 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top