Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 19,800 total views

Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C
Basic Ecclesial Community Sunday
Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15

Kapag tayo ang nanonood ng TV o anumang palabas sa YouTube o sa Tiktok, kapag may nakita tayo na isang manlalaro, o isang politiko, o isang tao na nag-aantanda ng krus, sinasabi natin na siya ay Katoliko. Ang mag-aantada ng krus ay isang pahiwatig ng ating pananampalataya sa iisang Diyos na Ama, Anak at Espiritu Santo. Ito ay pangkaraniwang gawain ng mga Katoliko. Ginagawa natin ito kasi ito ay isang maiksing dasal. Ang tinatanda ng ating kamay ay krus. Inaala-ala natin na tayo ay iniligtas ng pagkamatay ni Jesus sa Krus. Kinukrusan natin ang ating katawan. Ang sinasabi ng ating bibig ay “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Kinikilala natin kung sino ang Diyos na nagliligtas sa atin. Ang krus ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin na siya ay namatay sa krus para sa atin. Ang Diyos na ito ay Isa’tlong Diyos – Isa at Tatlo, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Huwag po natin itago o ikahiya ang pag-aantanda ng Krus. Malalim po ang katotohanan na pinapahiwatig nito.

Ngayong Linggo po ay ipinagdiriwang natin ang ating Isang Tatlong Diyos. Iisa nga ang Diyos pero ang isang Diyos na ito ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Paano natin ito nalaman? Dahil sa pagpapahayag ni Jesukristo, ang Diyos Anak na naging tao. Hindi naman natin ito malalaman kung hindi sinabi sa atin ni Jesus. Narinig natin sa ating ebanghelyo ang sinabi ni Jesus: “Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo na maunawaan ang buong katotohanan…. Sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo…Ang lahat ng sa Ama ay akin.” Dito narinig natin ang tatlo, ang Espiritu Santo na magpapaunawa, si Jesus na nagsasalita ng katotohanan at ang Ama na pinanggalingan ng lahat ng katotohanan. Tatlo sila pero iisa lang ang kanilang pagkilos. Iyan din ang ating narinig sa sinulat ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Ang nagpawalang sala sa atin ay ang ating pananalig kay Jesukristo. Sa pamamagitan ni Jesus tinatamasa natin ang kagandahang loob ng Diyos Ama. Ang kagandahang loob na ito ay ibinubuhos sa ating puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nandiyan uli ang Isa’tlo.

May kaugnayan tayo sa bawat isang persona ng Diyos. Ang Ama ni Jesus ay Ama din natin. Bilang Ama, pangangalagaan niya tayo. Hindi siya magpapabaya sa atin. Siya ang pinanggalingan ng lahat ng kabutihan. Ang Diyos Anak ay ating kapatid. Naging tao siya. Naging tulad siya sa atin. Masusundan natin si Jesukristo kasi tao siya tulad natin. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa atin ng kakayahan na mahalin ang Diyos sa pagsunod natin sa kanyang mga utos. Hindi natin masasabi na hindi natin kayang matularan si Jesus. Ang kanyang Espiritu ay kumikilos sa atin.

Ang Diyos ay iisa at magkaiba. Iisa sila sa pagiging Diyos. Pero iba ang Diyos Ama, kaysa Diyos Anak, kaysa Diyos Espiritu. Ang kanilang pagiging isa ay hindi bumura sa kanilang pagkakaiba. Ganoon din, ang kanilang pagkakaiba ay hindi naging hadlang sa kanilang pagiging isa. Kahit magkaiba pa sila nagiging isa sila sa kanilang sama-samang pagmamahalan at pagkilos.

Ito po ay isang hiwaga. Ito ay misterio. Ang ibig sabihin nito ay hindi natin itong lubos na maunawaan, pero inaanyayahan tayo ng misterio na makiisa. Pagsikapan nating isabuhay ang misterio at hindi gaano unawain lamang. Paano natin ito maisasabuhay? Sa ating pakikiisa sa Diyos. Mahalin at paglingkuran natin ang ating Diyos Ama, sundin natin si Jesus na Diyos Anak na naging tao, at hayaan nating magpadala tayo sa udyok ng Espiritu Santo. Palagi siyang kumikilos sa ating buhay.

Maisasabuhay din natin ang misterio ng Isa’tlo sa ating pakikiisa sa simbahan. Ang pinakamaliit na unit ng simbahan ay ang BEC – Basic Ecclesial Community – o ang Kriska, ang Kristiyanong Kapitbahayan. Ito ay binubuo ng mga sampu o dalawampung pamilya na magkapitbahay. Dahil sa sila ay magkapitbahay, madaling magsama. Kaya nagkakaisa sila sa pagdarasal, nagkakaisa sa pagtutulungan, at nagkakaisa sa pagbabahaginan ng kanilang karanasang Kristiyano. Tulad ng Isa’tlong Diyos, ang bawat miyembro ng Kriska ay magkaiba. Ang iba ay bata, ang iba ay lolo na, ang iba ay nag-aaral, ang iba ay nagtratrabaho sa opisina at ang iba naman ay nasa bahay lang. Kahit na magkaiba, sila ay nagkakaisa. Sila ay nagtutulungan sa kanilang buhay at sa kanilang pananampalataya. Kaya nga taon-taon tuwing kapistahan ng Isa’tlong Diyos, iyan din ang BEC Sunday. Ang ating Isang-Tatlong Diyos ay ang inspirasyon at huwaran ng ating mga Kriska o BEC – magkaiba ngunit nagkakaisa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,707 total views

 13,707 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,644 total views

 33,644 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,904 total views

 50,904 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,455 total views

 64,455 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,035 total views

 81,035 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,234 total views

 7,234 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Homily July 13, 2025

 3,464 total views

 3,464 total views 15th Sunday in Ordinary Time Cycle C Deut 30:10-14 Col 1:15-20 Lk 10: 25-37 Hindi natin magagawa ang hindi natin nalalaman. Kung hindi

Read More »

Homily July 6, 2025

 7,428 total views

 7,428 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle C Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20 “Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang

Read More »

Homily June 29, 2025

 12,713 total views

 12,713 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 14,719 total views

 14,719 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 27,978 total views

 27,978 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 8 2025

 26,752 total views

 26,752 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 31,400 total views

 31,400 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 34,284 total views

 34,284 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »

Homily May 11, 2025

 35,205 total views

 35,205 total views 4th Sunday of Easter Cycle C Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 13:14.43-52 rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30 Ang pagpapastol

Read More »

Homily May 4, 2024

 30,133 total views

 30,133 total views 3rd Sunday of Easter Cycle C Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19 Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang

Read More »
Scroll to Top