Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 318 total views

13th Sunday Cycle

1 Kings 19:16.19-21 Gal 5:1.13-18 Lk 9:51-62

Kapag narinig natin ang mga salitang “Tawag ng Diyos” at “Pagsunod kay Kristo” madalas ang pumapasok sa ating isip ay —- iyan ay para lang sa mga magpapari o magmamadre. Sila ang tinatawag na sumunod kay Kristo. Mali po ang pag-iisip na ito. Ang lahat na Kristiyano, ang bawat binyagan ay tinatawag ng Diyos na sumunod kay Kristo. Ito ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano. Hindi lang sapat na maniwala sa Diyos. Hindi lang sapat na umiwas sa pagkakasala o magdasal at magsimba. Tayo ay nagsisikap na sumunod at tumulad kay Kristo. Si Jesus ang liwanag ng mundo. Siya ang tanging daan patungo sa Diyos Ama. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan niya. Kaya kailangan nating sumunod sa kanya.

Ang paksa ng ating mga pagbasa ngayon ay tungkol sa pagsunod sa tawag ng Diyos. Sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na tayo ay pinalaya ni Kristo. Gamitin natin ang ating kalayaan hindi upang gumawa ng masama. Gamitin natin ito upang sumunod sa patnubay ng Espiritu Santo. Kaya sumunod tayo sa udyok ng Espiritu at hindi sa udyok ng laman. At ang Espiritu Santo ay gumagabay sa atin na sumunod kay Jesus.

Sa ating unang pagbasa narinig natin ang pagtugon ni Eliseo sa tawag sa kanya ni Elias. Habang siya ay nagtratrabaho sa kanyang bukid isinuklob sa kanya ni Elias ang kanyang balabal bilang propeta. Tinatawag siya na maging propeta. Maaaring si Eliseo ay may kaya. Nag-aararo siya na may labindalawang pares na toro. Iniwan niya ang lahat. Kinatay niya ang isang pares at niluto ito na ginamit ang mga pamatok at pang-araro bilang gatong. He burned his bridges. Hindi na siya makababalik sa pagsasaka. Buo ang kanyang loob na sumunod kay Elias na tumawag sa kanya. Ang pagiging propeta na ang magiging buhay niya.

Si Jesus din ay nagtatawag ng mga tao na sumunod sa kanya. Hindi niya tinatago ang requirements ng pagsunod sa kanya. Hindi si Jesus isang politiko o isang propagandist na nanghihikayat para lang makadala ng mga tao. Hindi niya nililinlang ang mga tao na sumunod sa kanya. Sinabi niya ang misyon niya ay nangangahulugan ng buhay na walang kasiguraduhan. Mabuti pa ang ibon ay may pugad na mauuwian o ang asong gubat na may lunggang babalikan. Siya at ang mga kasama niya ay kung saan-saan nalang natutulog. Pangalawa, ganoon kahalaga ang misyon ni Jesus na mas nauuna pa ito kaysa mga mahal natin sa buhay, tulad ng ating mga pamilya. Kaya huwag muna nating antayin na mamatay ang ating mga magulang bago tayo tumugon sa kanyang paanyaya.

Mas mahalaga siya kaysa mga magulang. Ikatlong requirement: ang misyon ay nangangahulugan ng full attention. Huwag natin babalik-balikan ang ating iniwan, na parang nagdadalawang isip pa. Huwag tayo lilingon-lingon sa ginagawa ng iba. Ibigay natin ang buong attention natin kay Jesus at sa kanyang pinapagawa. Naalaala ba ninyo si Pedro noong inalok siya ni Jesus na lumakad sa tubig noong binabayo ang bangka nila ng alon at ng hangin? Bumaba nga si Pedro sa dagat at nakalakad siya sa tubig, pero noong ang attention niya ay nakuha na ng alon at ng hangin at nawala na kay Jesus, nagsimula na siyang lumubog. Gayon din tayo. Kung lilingon-lingon tayo na ibang direksyon, lulubog tayo.

Medyo demanding si Jesus sa atin na tinatawag niya. Huwag tayong maghanap ng security, ng kasiguraduhan sa buhay. Magtiwala tayo sa Diyos. Kailangan ng malaking tiwala kay Jesus. Dapat nating unahin si Jesus, kahit na sa mga mahal natin sa buhay. Ibigay natin ang full attention natin sa kanya. Demanding si Jesus kasi hindi siya tumatanggap ng compromises. Iyan ang buhay niya at iyan ang hinihingi niya sa atin kasi iyan ang magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng ganitong buhay na pagsunod makakabahagi tayo sa kagalakan ni Jesus.

Hindi naman tayo pababayaan ni Jesus kung tayo ay susunod sa kanya. Huhubugin at aalalayan pa rin niya tayo. Alam niya na hindi madali makuha ang kanyang pamamaraan. Ganoon din ang kanyang ginawa sa kanyang mga apostol – patuloy na sila ay hinuhubog. Sumunod na sila kay Jesus. Iniwan na nila ang lahat at nakipamuhay na sila kasama niya pero may pagkukulang pa rin sila na dapat punan, may pagmamalabis na dapat tapyasin. Iyan ay nangyari sa magkapatid na si Juan at Santiago. Pinauna sila ni Jesus na ihanda ang mga lugar na dadaanan niya papuntang Jerusalem. Galing sila noon sa Galilea at pupunta sila sa Judea. Madadaanan nila ang ilang mga barrio ng Samaria kung saan nakatira ang mga Samaritano. Hindi maganda ang relasyon ng mga Samaritano sa mga Hudyo. Kaya noong mabalitaan niya na si Jesus ay papunta ng Jerusalem, ayaw nilang tanggapin si Jesus.

Nagalit ang magkapatid. Si Juan at si Santiago ay kasama sa mga pinadala ni Jesus noon at binigyan ng kapangyarihan upang ipahayag ang mabuting balita. Naranasan nila ang kapangyarihan na magpalayas ng demonyo at tanggalin ang mga sagabal sa kanilang misyon. Gusto nilang gamitin ang kapangyarihang ito upang puksain ang mga Samaritano – padalhan ng apoy mula sa langit kasi ayaw nilang padaanin si Jesus. Pinagalitan sila ni Jesus. Siya ay naparito upang magligtas hindi upang magpahamak. Ang kanilang kapangyarihan ay laban sa masasamang espiritu, hindi laban sa mga tao. Sa halip na makipag-confrontacion sa mga Samaritano, iniwasan na lang ni Jesus ang mga baryo nila. Pati ang mga apostol ay kailangan pa rin hubugin sa pamamaraan ni Jesus. Power is dangerous, even religious power. It can easily be abused.

Lahat tayo ay tinatawag ng Diyos na sumunod kay Jesus. Kahit na estrikto si Jesus sa atin na sumusunod sa kanya, huwag tayong mabahala. Aalalayan niya tayo. Pinapadala niya ang kanyang Espiritu upang gabayan tayo. Gamitin natin ang kalayaan na binigay niya sa atin upang sumunod kay Jesus. Hindi natin ito pagsisisihan. Siya ang magdadala sa atin sa kaganapan ng buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,947 total views

 10,947 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,907 total views

 24,907 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,059 total views

 42,059 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,485 total views

 92,485 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,405 total views

 108,405 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Homily July 13, 2025

 2,554 total views

 2,554 total views 15th Sunday in Ordinary Time Cycle C Deut 30:10-14 Col 1:15-20 Lk 10: 25-37 Hindi natin magagawa ang hindi natin nalalaman. Kung hindi

Read More »

Homily July 6, 2025

 6,518 total views

 6,518 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle C Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20 “Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang

Read More »

Homily June 29, 2025

 11,803 total views

 11,803 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 13,809 total views

 13,809 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 25,841 total views

 25,841 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 15, 2025

 18,890 total views

 18,890 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C Basic Ecclesial Community Sunday Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15 Kapag tayo ang nanonood ng

Read More »

Homily June 8 2025

 25,842 total views

 25,842 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 30,490 total views

 30,490 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 33,374 total views

 33,374 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »

Homily May 11, 2025

 34,295 total views

 34,295 total views 4th Sunday of Easter Cycle C Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 13:14.43-52 rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30 Ang pagpapastol

Read More »
Scroll to Top