VeritasPH

The Word, The Truth

 249 total views

Homiliya para sa Ika-13 Linggo ng Karaniwang Panahon, 26 ng Hunyo 2022, Luk 9:51-62

Ang paksa ng ating pagninilay batay sa ating mga pagbasa ay tungkol sa pagiging ALAGAD. (Iuugnay natin ito sa kapistahan ng Sagradong Puso—doon sa isang linya mula sa kinakanta nating O SACRED HEART O LOVE DIVINE. Doon malinaw kung ano ang ibig sabihin ng maging alagad ni Kristo: “And make our hearts so like to Thine, that we may holy be.” Ang translation ko nito sa Filipino ay, “Hubugin mo ang aming mga puso sa kabanalan mo.”)

Ang pagiging alagad ay pagsunod kay Kristo, upang mahubog ang ating mga puso at mahawig sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus. Ano ang ibig sabihin nito? Ito ang tanong na sinasagot ni San Pablo sa ating 2nd reading. Sabi niya sa Gal. 5:1: “Tayo’y inilaan ni Kristo para sa isang BUHAY NA MALAYA. Kaya ang alagad ay dapat manindigan at huwag na muling magpailalim sa diwa ng pagiging alipin.” Para kay San Pablo, ang pagiging alagad ay paghahangad ng isang buhay na tunay na MALAYA. At si Kristo lang ang makapagtuturo sa atin nito.

Ito ang punto ni Hesus sa first part ng ating Gospel reading. Napagsabihan daw ang mapusok na magkapatid na sina Santiago at Juan. Dahil hindi sila tinanggap sa bayan ng Samaria, galit na galit sila. Para silang mga bata na masamang-masama ang loob dahil ayaw silang pagbigyan sa gusto nila, aba e gusto na yatang magwala. Suggestion ba naman nila na paulanin na daw ng apoy ang mga Samaritano para pugnawin na sila.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng Diyos kay Cain nang sumama ang loob nito dahil sa inggit. Dahil mas nagustuhan ng Diyos ang alay na tupa ni Abel kaysa inialay niyang gulay mula sa pananim niya. Binalaan siya ng Diyos tungkol sa pagtatanim niya ng sama ng loob laban sa kanyang kapatid. Bago pa nangyari ang pagpatay niya sa sarili niyang kapatid, pinagsabihan na siya: “Huwag mong hayaang dalhin ka ng damdamin mong iyan sa pagkakasala. Mapagtatagumpayan mo ang udyok sa puso mo kung gugustuhin mo.” Pero hindi, nagpatalo siya sa damdamin niya. Nagpadala sa udyok ng galit.

Kahit si San Pablo may sinabi ring ganito sa Eph 4:26-27, “Kapag nagalit ka, huwag mong hayaan na dalhin ka nito sa pagkakasala.” Ibig sabihin, hindi naman masama ang magalit—damdamin iyon na dumarating sa atin kung minsan. Ang masama ay kapag hinayaan mong lasunin nito ang isip mo at dalhin ka sa pagkakasala. Kaya sabi ni San Pablo, “Huwag mong kimkimin ito nang magdamag. Huwag mong bigyan ng puwang ang diyablo na paglaruan ang damdamin mo.”

In short, kung alagad ka ni Kristo, sikapin mong manatiling malaya sa mga bagay na maaaring makaalipin sa iyo—hindi lang sa labas kundi pati na sa loob natin. Kasama na rito ang mga basurang itinatago natin sa kalooban na pwedeng lumason sa ating isip at damdamin.

Isa pang aspeto ng kalayaan na itinatawag pansin ni Hesus sa mga naghahangad na maging mga alagad niya ay ang sobrang pagkahumaling sa anumang meron tayo sa mundo: maging mga bagay o mga tao. Paalala niya sa atin na huwag tayong kakapit sa anuman o sinuman dito sa mundo NA PARA BANG IYON NA ANG LAHAT SA ATIN. Bakit? Dahil lahat ng bagay sa mundo ay lilipas. Kapag tinuring mo nga naman na parang iyon na ang lahat sa buhay mo, ano ang mangyayari kapag nawala ito sa iyo? Ibig bang sabihin tapos na ang lahat?

Si San Ignacio de Loyola, ang nagtatag sa Samahan ng mga Paring Heswita, ay may isinulat na panalangin na ginawang kanta sa Misa. Ang title nito sa Latin ay SUSCIPE—na ang ibig sabihin ay TANGGAPIN. Isang awit ng pag-aalay, parang exercise o pagsasanay na dapat matutuhan ng bawat alagad. Isang magandang paalala na, bilang mga alagad ni Kristo, kailangang matutunan nating maging handa sa lahat ng pagkakataon na mawalan ng kahit na ano o sino dito sa mundo.

Oo nga naman. Bakit hindi dapat ituring ang anuman sa mundo bilang lahat sa atin? Kapag nawala ito para bang wala nang saysay ang buhay mo. Kaya, para sa kanya, imbes na maghinagpis, ang tamang attitude ay, IALAY MO ITO. Para kay San Ignacio, ito ang sikreto kung ibig nating mabago ang ating disposisyon lalo na kapag ramdam natin na masyado nang lumalakas ang kapit natin sa mga bagay na lumilipas. Bago pa mawala sa iyo, ialay mo na.

Para sa kanya, malaki ang maitutulong kung handa ang puso natin sa pagkawala ng anumang itinuturing nating malahaga sa buhay natin: “Kunin mo O Diyos at tanggapin mo ang aking kalayaan, ang aking kalooban, ang isip at gunita ko, lahat ng hawak ko, lahat ng loob ko, LAHAT AY AKING ALAY SA IYO.”

Medyo napapangiti ako pag naririnig ko ang kasunod. Sabi niya, “Mula sa iyo ang lahat ng ito, muli kong handog sa iyo…” Para bang sinasabi niya, “Ano ba ang dahilan ba’t sasama ang loob ko pag nawala ang anuman sa akin, e sa Iyo naman galing ang lahat ng iyan? Ibinigay mo sa akin kahit hindi ko hinihingi, kaya bakit ako magagalit kung babawiin mo? Panginoon, okey lang po. Pwede mo pong kunin lahat kahit anong oras. Isang bagay lang ang hinihingi ko na huwag mong babawiin: at ito ang PAGIBIG MO. Isinusumpa ko, handa akong bitawan o talikdan ang lahat, alang-alang sa pagibig mo.”

Ito ang ibig sabihin ng maging alagad: ang hayaan na ang ating mga puso ay mahubog at matulad sa MALAYANG PUSO ng Anak ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,316 total views

 13,316 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,301 total views

 21,301 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,837 total views

 28,837 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,822 total views

 44,822 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,866 total views

 52,866 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 398 total views

 398 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,153 total views

 3,153 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,568 total views

 7,568 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,894 total views

 2,894 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,417 total views

 3,417 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,916 total views

 4,916 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,760 total views

 5,760 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,015 total views

 4,015 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,228 total views

 8,228 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,461 total views

 7,461 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,671 total views

 11,671 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,119 total views

 5,119 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,123 total views

 5,123 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,123 total views

 5,123 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,115 total views

 5,115 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top