Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 18,411 total views

31st Sunday of Ordinary Time Cycle B
Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34

Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay sinusulat ng kamay. Tandaan natin na noong panahon iyon, marami ay no read no write. Mahalaga ang papel ng isang tao na marunong bumasa at sumulat. Ang mga binabasa at sinusulat nila noon ay ang Banal na Kasulatan, ang Bibliya.

Isang dalubhasang tao ang lumapit kay Jesus. Bakit? Kasi mainit na pinag-uusapan noon ng mga mag-aaral ng Batas kung alin sa mga Batas ni Moises ang mahalaga. Mayroong 613 na mga batas na matatagpuan sa unang limang aklat ng Bibliya na tinatawag nila na Tora. Nandito ang mga batas ni Moises. Mahirap malaman at maisabuhay ang lahat na 613 na mga batas. Pinag-uusapan nila kung alin sa mga ito ang mahahalaga, kung alin nga ang pinakamahalaga, upang kung hindi man masunod ang lahat ng batas, at least masusunod nila ang pinakamahalaga.

Hindi nagdalawang isip si Jesus. Ang pinakamahalaga ay ang narinig natin sa ating unang pagbasa na galing sa aklat ng Deuteronomia: “Dinggin mo, Israel: ang Panginoong ating Diyos ay siya lamang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, kaluluwa at lakas.” Ang tawag dito ay SHEMA ISRAEL at sinasaulo at binabanggit ito ng bawat Hudyo araw-araw. Sinusulat nila ito sa isang maliit na kahon na nakatali sa kanilang ulo at brazo. Sinusulat ito sa kanilang pintuan at hinahalikan ito pagpasok at paglabas nila ng bahay. Ganoon kahalaga ang SHEMA ISRAEL para sa mga Hudyo.

Kung iisa lang ang Diyos, dapat buong buo ang paglilingkod natin sa kanya, kaya minamahal natin siya ng buong pagkatao natin. Wala na tayong ibang i-co-consider kundi siya lamang. Sa utos na ito may idinugtong agad si Jesus, ang utos na ibigin ang kapwa tulad ng pag-ibig sa ating sarili. Nakalagay din ito sa kasulatan at matatagpuan naman sa aklat ng Levitico, Levitico 19:18. Isinama ito ni Jesus sa pinakamahalagang utos kasi hindi maaaring paghiwalayin ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa. Sinulat nga ni San Juan sa kanyang liham na hindi natin maaaring mahalin ang Diyos na hindi natin nakikita, na hindi natin minamahal ang kapwa na ating nakikita. Sa pagmamahal natin sa kapwa naipapahayag natin ang ating pag-ibig sa Diyos. Kaya nga sinabi ni Jesus kung pinapakain natin ang nagugutom, si Jesus ang pinapakain natin. Kung dinadalaw at inaalagaan natin ang mga may sakit at mga bilanggo, siya ang ginagawan natin ng mabuti. Noong nagpakita si Jesus kay Saulo sa daan patungong Damasko, tinanong niya si Saulo bakit niya siya inuusig sapagkat sa pag-uusig niya sa mga Kristiyano, si Jesus ang inuusig niya.

Ang isang malungkot na kasaysayan tungkol sa mga relihiyon ay ang mga digmaan at patayan na nangyayari sa ngalan ng Diyos. Mahal nila ang Diyos, ipinagtatanggol nila ang kanyang karangalan at dahil dito pinapatay nila ang mga hindi kumikilala sa kanilang Diyos at hindi nagpapahalaga sa kanya. Nagkaroon ng mga digmaan dahil dito – digmaan ng mga muslim at mga kristiyano, ng mga Buddhists at mga Muslim, ng mga Katoliko at mga Protestante. Hanggang ngayon patuloy pa ang patayan sa ngalan ng Diyos. Mga simbahan ng ibang relihiyon ay pinapasabog. Pinaghihiwalay nila ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa tao. Paano ba natin mapapahalagahan ang Diyos na pinapasakitan at pinapatay pa natin ang kapwa tao na ginawa ng Diyos na kalarawan niya?

May pagninilay ang eskriba na sinang-ayunan ni Jesus. Sabi niya na ang pag-ibig sa Diyos ng higit sa lahat at ng kapwa tulad ng sa sarili ay higit pa na mahalaga sa kaysa mag-alay ng handog na susunugin. Para sa mga Hudyo ang kanilang pagsamba sa Diyos ay ang pag-aalay ng mga hayop na kanilang sinusunog para sa kanya. Ang gawain ng pagsamba ay magiging katanggap-tanggap lamang sa Diyos kung ito ay ginagawa ng may pag-ibig. Huwag din natin hiwalayin ang pagsamba sa pagmamahal. Sinulat ni San Pablo, “Kahit na ialay ko man ang aking sarili kong buhay na walang pag-ibig, wala itong pakinabang sa akin. Kahit na may malakas akong pananampalataya na mauutusan ko ang bundok na lumukso sa dagat pero wala naman akong pag-ibig, walang saysay ang pananampalatayang iyan.”

Tandaan natin na sumasamba tayo sa Diyos dahil sa mahal natin siya. Pero maaaring mangyari na ang gawain ng pagsamba ay ginagawa natin ng walang pag-ibig. Maaari namang nagsisimba tayo na walang pag-ibig sa Diyos. Basta na lang natin ito ginagawa. Maaari rin na nagproprosisyon tayo o nagdedecorate tayo ng altar hindi dahil sa pag-ibig. Maaari ngang nagcocontribute tayo sa pagpapatayo ng ating katedral pero walang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Ang mga gawaing pansamba at ang mga gawaing pangsimbahan ay may halaga sa mata ng Diyos kung ito ay galing sa ating pagmamahal sa kanya. At habang gumagawa tayo ng gawaing pansamba, pansinin din natin ang ating kapwa at tulungan sa kanilang pangangailangan kasi sa pagmamahal sa kapwa natin napaparangalan ang Diyos na nag-alay ng kanyang sarili para sa kapwa tao.

Sa Banal na Misa ipinagdiriwang natin ang pag-aalay ni Jesus. Ito ang pinakamataas na pagsamba sa Diyos. Ang pag-aalay ni Jesus ay bunga ng kanyang pagmamahal sa Diyos Ama at sa atin. Naging masunurin si Jesus sa kanyang Ama hanggang sa kamatayan sa krus. Mahal niya ang Ama kaya sumunod siya sa kalooban niya. Mahal din tayo ni Jesus kaya inalay niya ang kanyang sarili para sa atin. Ang pag-aalay ni Jesus na ating pinagdiriwang sa Banal na Misa ay ang pagbibigay niya ng kanyang pag-ibig – pag-ibig sa Diyos at sa tao. Tinutupad ni Jesus ang dalawang pinakamahalagang utos sa bawat misa na ipinagdiriwang natin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Diabolical Proposal

 11,321 total views

 11,321 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 19,057 total views

 19,057 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 26,544 total views

 26,544 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 31,869 total views

 31,869 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 37,677 total views

 37,677 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 621 total views

 621 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 2,870 total views

 2,870 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 2,975 total views

 2,975 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 7,094 total views

 7,094 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 6,407 total views

 6,407 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 8,462 total views

 8,462 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 14,385 total views

 14,385 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 17,795 total views

 17,795 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 20,430 total views

 20,430 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 18,945 total views

 18,945 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 21,184 total views

 21,184 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 19,509 total views

 19,509 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 25,113 total views

 25,113 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 22,583 total views

 22,583 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 24,516 total views

 24,516 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top