Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,161 total reads

Pentecost Sunday Cycle A

Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay isang dakilang kapistahan ng mga Hudyo na nangyayari tuwing ika-limampung araw pagkatapos ng kapistahan ng Paskuwa. Ipinagdiriwang nila dito ang pagbibigay sa kanila ng Batas ni Moises doon sa bundok ng Sinai. Ang mga batas na ibinigay ng Diyos kay Moises ay isang tanda ng pag-ibig ng Diyos sa bayan ng Israel. Ito ay isang batas na puno ng karunungan at sa pagtupad nila dito nakasalalay ang katapatan nila sa kanilang kasunduan sa Diyos. Sa araw ng Pentekostes, ang mga Hudyo sa ibang bahagi ng bansa at ng mundo ay gumagawa ng pilgrimage sa Jerusalem. Dahil dito maraming mga Hudyo na galing sa ibang bansa ay nasa Jerusalem sa araw na iyon.

Noong araw ng Pentekostes, habang nagdarasal ang mga alagad ni Jesus sa isang kuwarto, bumaba ang Espiritu Santo sa kanila sa anyo ng dilang apoy na lumapag sa ulo ng bawat isa at ng malakas na hangin na nayanig ang bahay na kinaroroonan nila. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanila. Nakapagsasalita na sila ng iba’t-ibang mga lenguahe. Nagkaroon na ng tapang ang mga alagad na magsalita sa harap ng mga tao. Nawala na ang kanilang takot. Nagsalita din sila sa paraan na naunawaan ng nakikinig sa kanila kahit na sila ay galing sa iba’t-ibang mga bansa. Iyan ang version ni Lukas sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol sa ating unang pagbasa.

Kakaiba naman ang version ni San Juan sa pagbigay ng Espiritu Santo na narinig natin sa ating ebanghelyo. Ito ang nangyari sa gabi ng araw mismo ng Linggo ng Pagkabuhay ni Jesus. Walang ibang tao noon, ang mga alagad lang. Nakapinid ang pintuan pero si Jesus na muling nabuhay ay tumayo sa harap nila. Isinugo sila na magpahayag, at siya mismo ang nagbigay ng Espiritu sa kanila. Hiningahan niya ang mga alagad nang malumanay, hindi malakas na hangin na nakatawag ng pansin ng mga tao ang dumating. Ibinigay niya sa mga alagad ang kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan.
Magkaiba ang dalawang version ngunit magkapareho ang kahulugan. Ang Espiritu Santo, na walang iba kundi ang kapangyarihan na galing sa Diyos, ay dumating sa mga alagad sa pamamagitan ng hangin. Ngayon naipagpapatuloy na ng mga alagad ang misyon ni Jesus – ang misyon ng pagpapahayag at misyon ng pagpapatawad.

Ang Espiritu Santo ay ang dahilan kung bakit hanggang ngayon naipagpapatuloy ng simbahan ang kanyang gawain. Walang magagawa ang simbahan at ang mga kristiyano kung hindi dahil sa Espiritu Santo. Sinulat ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa na hindi man masasabi ninuman na Panginoon si Jesus kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo. Ganoon siya kahalaga sa ating buhay! Siya ang nagkakaloob sa bawat isa sa atin ng kakayahan na maglingkod sa simbahan na katawan ni Kristo. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang nagagawa sa simbahan dahil sa Espiritu Santo. Ang mga kaloob na ito ay ang ating pagkakataon na makapag-lingkod sa ikabubuti ang lahat. Kaya ang bawat isa ay may pagkakataon na magbalik handog ng ating talents. Pinagkalooban tayo ng atin-ating talents upang may maiambag tayo sa ikabubuti ng iba.

Natapos na natin ang mga espesyal na panahon – ang adbiyento, ang pasko, ang kuwaresma at ang muling pagkabuhay. Bukas sisimulan na natin ang mahabang panahon ng pangkaraniwang panahon sa simbahan. Maliban sa mga pista ng ating mga patron, wala ng mahabang panahon ng kapistahan sa simbahan hanggang sa pagpasok uli ng panahon ng adbiyento sa Disyembre.

Sa ordinaryong panahon natin sinasabuhay ang ating ordinaryong buhay Kristiyano. Mga kapatid, sa mga ordinaryong panahon tayo lumalago. Dito nakikita ang ating katapatan. Madaling maging excited sa mga espesyal na panahon at dahil dito napapabayaan natin ang ating karaniwang tungkulin. Pero sa ordinaryong panahon nagagawa ang ating tungkulin sa araw-araw na siyang nagpapalago sa atin. Sa ordinaryong mga gawain natin sa bahay, nagiging maayos ang ating relasyon sa pamilya. Sa katapatan at kasipagan sa pang-araw-araw na pag-aaral, lumalago ang ating kaalaman. Sa ating palagiang pagdadasal at paggawa ng kabutihan, lumalalim ang ating pananampalataya. Kaya maganda ang disiplina na binibigay sa atin ng Pondo ng Pinoy. Sana hindi pa natin nakakalimutan ang Pondo ng Pinoy at ginagawa pa natin ang panawagan nito. Kahit na maliliit na bagay, tulad ng pagtatabi ng piso, basta ginagawa palagian araw-araw, ito ay nakakatulong ng malaki sa nagbibigay at sa tumatanggap. Sa nagbibigay, kasi nahuhubog ang kanyang character sa pamamagitan ng daily habit na pagsaalang-alang sa iba. Sa nakakatanggap, kasi pag-inipon ang maliliit na halaga, ito ay nakakatulong din nang malaki. Marami ang napapaaral ng ambag ng Pondo ng Pinoy. Nakakatulong ito sa hanap buhay ng maraming pamilya. Huwag natin balewalain ang maliit at ang pangkaraniwan. Ang maliliit na patak ng ulan kapag patuloy na pumapatak ay nagdadala din ng baha.

Si Sta. Teresita ng Nino Jesus ay isang ordinaryong madre lang. Pumasok siya ng kumbento noong siya ay 15 years old at namatay siya noong siya ay 24 years old. Sa loob ng siyam na taong ito hindi man siya lumabas ng kumbento. Hindi man siya gumawa ng anumang espesyal na gawain. Ang ginawa niya ay mga karaniwang gawain ng isang madre – maglinis ng kumbento, maglaba, magdasal, magluto, mag-alaga ng may sakit na madre at gumabay sa mga bagong madre. Pero naging dakilang santa siya. Dahil sa utos sa kanya ng kanyang superiora na kanya ring kapatid, sinulat niya ang simpleng talambuhay niya. Kumalat ang talambuhay na ito at nakilala siya ng lahat. Ang pinahalagahan niya ay ang paggawa ng mga simple at ordinaryong gawain ng may pagmamahal. Dito siya naging banal. Kinilala ang kanyang ordinaryong paraan ng kabanalan na makabuluhan at makakayanan ng lahat. Naging dakilang modelo siya ng kabanalan para sa lahat. Saan niya nakuha ang ganitong karunungan? Sa Espiritu Santo! Ano ang nagpapabanal sa ordinaryong gawain natin? Ang Espiritu Santo! Kaya ngayong bago tayo pumasok sa ordinaryong panahon ng simbahan, ipinagdiwang natin ang dakilang kapistahan ng Espiritu Santo. Siya ang hininga ni Jesukristo sa bawat isa sa atin. Natanggap na natin siya sa mga sakramento ng binyag at ng kumpil. Siya ang mahinahon na kapangyarihan ng Diyos na gumagabay sa atin sa landas ng kabanalan sa pang-araw-araw ng simpleng buhay natin.

O Espiritung Banal, kami’y gawing matapat; ang pag-ibig ay mag-alab lagi sa tamang landas sa ordinaryong buhay namin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,073 total reads

 222,073 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,804 total reads

 253,804 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,629 total reads

 355,628 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,190 total reads

 396,189 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,967 total reads

 407,967 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 4, 2026

 8,515 total reads

 8,515 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 10,481 total reads

 10,481 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 23,633 total reads

 23,633 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 22,283 total reads

 22,283 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »
Scroll to Top