VeritasPH

The Word, The Truth

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle New Year’s Eve Mass at Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

 532 total views

HOMILY
His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral
December 31, 2018

Mga minamahal na Kapatid sa Panginoong Hesukristo,
Tayo po ay nagpapasalamat sa Diyos siya po ang tumawag sa bawat isa sa atin para lumabas ng ating mga bahay, tahanan pumarito at maging bahagi ng ating sambayanang nananalangin, nagpapasalamat at ang atin pong Misa ay napakaraming ipinagdiriwang.

Una ngayon po ang ika-walong araw ng Pasko ang tawag natin ay Octava at ang ika-walong araw ng Pasko ay paggunita kay Maria ang Ina ng Diyos yan po ang una nating fiesta Mary the Mother of God, ang ikalawa po ay ang unang araw ng taon ay Araw ng Pandaigdigang Panalangin para sa Kapayapaan so World Day of Prayer for Peace at ikatlo syempre pagsalubong sa Bagong Taon, pasasalamat sa taong magwawakas at haharapin ng may pag-asa, pananampalataya at pag-ibig ang taon na ipinagkakaloob sa ating ng Panginoon. Hayaan niyo po na ang tatlong yan ay matahi-tahi ng ating mga pagbasa.

Una kapayapaan, papaano nga ba magkakaroon ng kapayapaan? Ang sikreto ay sinasabi ng kapistahan, World Day of Prayer for Peace, kung ang kapayapaan ay hinihingi sa pamamagitan ng panalangin, ibig sabihin ang kapayapaan una sa lahat ay regalo ng Diyos, ang tunay na kapayapaan ay magmumula laman sa Diyos lalo na sa kanyang anak na isinilang bilang Prinsipe ng Kapayapaan.

Walang tunay na kapayapaan na maibibigay ng tao, ng business, ng mundo ang nakapagbibigay lamang niyan ay ang Diyos at kapag galing sa Diyos, anong uri ng kapayapaan mayroon?

Yan po ang makikita sa unang pagbasa, ang pagbi-bendisyon ng mga Pari, nina Aaron at kanyang mga anak ay tungkol sa kapayapaan na nanggagaling sa Diyos. Ano yun? “Pagpalain ka nawa at ingatan ng Diyos” yan ang kapayapaan ang tawag natin diyan kaligtasan mula sa Diyos, siya ang nag-iingat, siya ang nagpapala.

Ikalawa “Nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan” kapag ang Diyos ang sumusubaybay sa iyo, kapag ang Diyos ang nagsasabi sa iyo “Pinatatawad kita” may kapayapaan. “Lingapin ka nawa niya” kapag ang lumilingap sa iyo ay Diyos yan ang tunay na kapayapaan, lingapin ka man ng lingapin ng boyfriend mo magtatapos din yan (laughs) ang tunay na kapayapaan ay kapag ang Diyos ang lumilingap sa atin at yan ay inihihingi sa Diyos, yan ay ibinibigay ng Diyos bilang bendisyon, kaya po yan ang kapayapaan na idinadasal natin ngayon the peace that only God could give, the peace that comes when God blesses us and keeps us, when the Lord makes His face shine upon us, when the Lord look upon us kindly that’s real peace, we call it Divine Salvation.

Mga kapatid, anong kapayapaan ang hanap natin at gusto natin para sa darating na taon? Sana kapayapaan na bigay ng Diyos, hindi yung kapayapaan na maibibigay lamang panandalian ng lahat ng offer ng mundo pero maglalaho rin, ang kapayapaan ay bigay ng Diyos.

Pero may ikalawang punto, lahat ng bigay ng Diyos ay kailangang tanggapin ng tao, kahit na yan ay ibigay kung hindi naman natin papansinin, nasasayang din ang kanyang biyaya.

Papaano natin tatanggapin ang kapayapaan na binibigay ng Diyos? Ang ating Mahal na Ina si Maria bilang Ina ng Diyos, siya na tinutukoy ni San Pablo sa ikalawang pagbasa na noong dumating ang takdang panahon sinugo ng Diyos ang kanyang anak, isinilang ng babae. Ang anak ng Diyos ay naging tao syempre bahagi ng pagiging tao ay magkaroon ng Ina, Ina na magluluwal sa bata, si Maria na natuklasan ng mga pastol sa sabsaban inilalahad sa Ebanghelyo, si Maria po ang nagtuturo ng daan papaano tanggapin ang kapayapaan, papaano tanggapin ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Papaano nga ba ang ginawa ni Maria? Sa Ebanghelyong nakita natin sa gabing ito, tatlong bagay po. Una, sinasabi dito Si Maria pinagbulay-bulayan niya, tinanim niya sa isip niya ang mga bagay na inilahad ng mga pastol. Anong ibig sabihin nito? Nanalangin si Maria, prayer as a way of accepting the gift of peace. Yung pananalangin na nakikinig sa Salita ng Diyos, yung panalangin na ang aking puso ay nililinis ko para makaayon sa kalooban ng Diyos, yung panalangin na yung mga bagay na hindi ko naiintindihan, hindi ako yung pabugso-bugso, kung hindi ko naiintindihan tatahimik, magbubulay-bulay, mananalangin.

Mga Kapatid, we want peace pray like Mary. May naitutulong ang ating security, may naitutulong ang mga CCTV Camera, may naitutulong ang ating iba’t ibang pagmamatyag, napapasin ko yung iba sa inyo hindi sa akin nakatingin eh habang nagsasalita ako nakatingin sa katabi “baka dinudukutan na ako”, lahat yan nakakatulong pero kung walang dasal, walang tunay na kapayapaan lalo na kapayapaan ng kalooban hindi lang yung kapayapaang panlabas.

Ang kapayapaan na naranasan ni Maria bunga ng pananampalataya at panalangin ay ang kapayapaan na galing sa Diyos sa isang kaloobang nababalisa, isang kaloobang maraming katanungan, isang kaloobang hindi laging nakakaunawa subalit sa panalangin nakakaranas ng katiwasayan.

My Dear Brothers and Sisters, you find the world noisy and even frightening pray, read the Word of God, go to the Blessed Sacrament. You don’t understand what is going on in to your life, like Mary, keep those things in your heart, and in your heart wait, wait patiently for the peace of God. No peace will come without prayer.

Sa mga pamilya, ibalik ang dasal. Yung mga may cellphone at mga apps dagdagan ang mga Prayer Apps kesa sa kung anu-ano ang binabasa, dasal. Habang ikaw ay naglalakbay kung anu-ano ang pinakikinggan mo, pakinggan mo ang mga dasal, pakinggan mo ang mga sacred music manalangin ka tulad ni Maria.

Pwedeng malaman sino po sa inyo dito ang mga Ina? Pakitaas ang kamay ng mga nanay. (asking the faithful) Mga nanay, diba tatanungin ko kayo diba kayo para sa inyong mga anak, walang patid ang inyong dasal? Kahit ang anak niyo malayo, bihira niyong makita may kapayapaan kahit papaano dahil kayo ay nagdarasal. Ang mga Ina experts sa prayer, ang mga Ina nakakatagpo ng kapayapaan dahil sa panalangin, ganyan si Maria Ina ng Diyos.

So mga nanay turuan niyo ang mga anak niyo manalangin, huwag lang magtuturo ng tong-its, huwag lang magtuturo ng bingo, magturong magdasal at turuan niyo ang mga asawa ninyo magdasal para may kapayapaan. Peace (laughing with the faithful).

Ikalawa, anong ginawa ni Maria para tanggapin ang biyaya ng kapayapaan? Sabi po dito (sa Ebanghelyo) “nakita ng mga pastol ang sanggol nakahiga sa sabsaban ayon sa sinabi ng anghel ang bata ay nakabalot sa tela” Wow, bukod sa panalangin paglingap, pagkalinga, caring. Prayer must be accompanied by acts of caring, of concern and they eventually become acts of justice. Without caring and justice, there will be no peace.

Ipinakita ni Maria, papaano niya kinalinga ang kapayapaan, ang Prinsipe ng Kapayapaan. Ibinigay niya sa Prinsipe ng Kapayapaan ang nararapat ibigay na pagkalinga. Ang Ina ng Diyos makatarungan, makalinga sa biyaya ng kapayapaan. Ibig natin ng kapayapaan? Well, let us learn to care for one another, let us learn how to care for society, let us learn how to care for creation without caring we will be sowing seed of violence. Ang mapagkalinga naghahasik ng punla ng kapayapaan, prayer, pagkalinga.

Tama na siguro yun, baka sabihin niyo nawalan na ako ng kalinga sa inyo, baka gusto niyo ng umuwi para mag-medya noche. (Laughs) Pero sama-sama po tayo naghahangad na ang bagong taon ay mas mapayapa pa kaysa sa taong magwawakas. Pero ang kapayapaan ay bigay ng Diyos, kailangan nating tanggapin sa pamamagitan ng panalangin at buhay ng pagkalinga at katarungan.

So we wish each other not just a peaceful New Year, our wish is that the year maybe peaceful according to God’s design, according to God’s purpose and plan, and we pray that we like Mary would receive the Prince of Peace by continuously praying a life of prayer and a life of caring and justice.

Tayo po’y tumahimik sandali at ibukas ang ating sarili sa ibinibigay na biyaya ng kapayapaan sa katauhan ni Hesus, tanggapin siya, maging laman siya ng puso at panalangin, kalingain siya, kalingain siya sa ating kapwa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,037 total views

 4,037 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,023 total views

 20,023 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,068 total views

 28,068 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,148 total views

 33,148 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,854 total views

 38,854 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Manalangin at magkawanggawa, paanyaya ngayong Kwaresma

 3,698 total views

 3,698 total views Umaasa ang opisyal ng Vatican na maging daang paggunita ng Kwaresma upang higit pang mamulat ang bawat isa sa kalagayan ng mga nangangailangan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle – pro Prefect Dicastery for Evangelization sa misang ginanap sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma. Paliwanag ng Cardinal,

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

1st Misa de Gallo His Excellency Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila at Manila Cathedral

 548 total views

 548 total views Homily 1st Misa de Gallo His Excellency Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Dec.16, 2019 Manila Cathedral Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpuri at magpasalamat sa Diyos sumapit na naman ang simbang gabi at tayo po ay tinipon niya. Alalahanin po natin ang mga kapatid natin lalo na

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle PCNE Thanksgiving Mass

 526 total views

 526 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle PCNE Thanksgiving Mass @ Arzobispado Chapel, Arzobispado Manila -August 28, 2018 My dear brothers and sisters, we thank God for bringing us together in this Eucharistic celebration though every Eucharist is a thanksgiving. It is the supreme hearts of attitude and thanksgiving at this

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle Homily – Opening Activity Global Week of Action 2018

 495 total views

 495 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Opening Activity – Global Week of Action 2018 (GWA18) @ Minor Basilica of San Lorenzo Ruiz, Binondo, Manila June 17, 2018 First of all we give thanks to God for bringing us together as one family, as one community of faith and I would

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle CORPUS CHRISTI Homily

 660 total views

 660 total views Archdiocesan Celebration of the Solemnity of Corpus Christi and Declaration of Sta. Cruz Church as Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament June 3, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay napupuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos siya po ang tumawag sa ating lahat upang magsama-sama sa napakagandang hapon at

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Communion, Participation at Mission, instrumento ng God’s miracle

 581 total views

 581 total views Ito ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang dapat matutunan at manahan sa bawat isa upang maging instrumento ng Panginoon sa kanyang mga milagro tulad na lamang ng naging buhay ni St. Anthony of Padua. Sa kapistahan ni St. Anthony of Padua sa Bustillos, Sampaloc, Manila, inihalimbawa ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top