Humihiyaw ba ang puso? | Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 306 total views

Hindi lamang minsan tinanong sa akin
sa isang panayam ng mga kabataan
alin daw ba ang dapat nilang pakinggan:
sigaw ng puso o sigaw ng isipan?
"Trending" ang tanong
at ang mabilis kong tugon
palagi nilang unang pakinggan
sinisigaw ng kanilang mga magulang!
Matapos ang tawanan
aking pinagnilayan at binalik
sa kanila isa pang katanungan:
ang puso ba ay humihiyaw
sa paghahayag ng kanyang kalooban?
Hindi ba maging kanyang pagtibok 
sadyang napakahina, tayo ay hinihimok 
taimtim na sa kanya makinig?
Kung ang puso ma'y 
humihiyaw, isinisigaw
kanyang nilalaman
marahil wala tayong
masyadong alitan
at mga kaguluhan
dahil sa bawat pintig ng puso
naroon tinig ng pag-ibig na dalisay.
Naalala mo ba una mong pagsinta
first love kung tawagin
ngunit kay hirap limutin
kakaibang naramdaman
binabalik-balikan
sa lilim ng katahimikan
iyong iniingat-ingatan
na huwag mabunyag at malaman?
Noong bata pa tayo
at wala pang kamuwang-muwang
sa kalokohan at kasinungalingan
bulong ng puso madaling napapakinggan
ngunit sa ating pagtanda
puso atin nang tinuturuan
sariling kagustuhan
siyang laging sundin at pakinggan.
Humiyaw man ang puso
parating pabulong
hirap niyang maiahon
katotohanang ating binaon
kinukuyom-kuyom
naghihintay ng pagkakataon
pawalan katotohanang naroroon
pagdating ng panahon.
Sa tuwing ika'y nasasaktan
sa salitang sa iyo binitiwan
masakit dahil ito ang katotohanan

na noon mo pa alam
ngunit ayaw mong pakinggan
puso mo ay tinalikuran
kaya ika'y babalikan
ibabaon sa katotohanan.
Larawan buhat sa Google.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 26,339 total views

 26,339 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 26,339 total views

 26,339 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 26,339 total views

 26,339 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 25,433 total views

 25,433 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 23,081 total views

 23,081 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Holy Monday Prayer

 1,308 total views

 1,308 total views Lord My Chef Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Holy Monday, 30 March 2026 Isaiah 42:1-7 +++ John 12:1-11 Photo by author,

Read More »
Scroll to Top