LASAC, nakahanda sa epekto ng bagyong Dante sa Batangas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Naghahanda na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) sa posibleng epekto ng bagyong Dante sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Christopher Ocampo, Disaster Management In-charge ng LASAC, kanilang ginagawa ang information dissemination sa pamamagitan ng LASAC FB Page upang agad na mabigyan ng babala ang mga residente hinggil sa pagdating at maaaring maging epekto ng bagyong Dante.

Nakahanda na rin ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga maaapektuhang residente sakaling palikasin na ang mga ito.

“As of now, ready naman ang ating mga relief good if in case na magkaroon tayo ng relief operations… ‘Yung iba po nating staff ay pinatawag na natin sa ating mga social action coordinators sa mga parishes para po sa paghahanda nila,” pahayag ni Ocampo sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ni Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy Officer ng LASAC na hindi pa ipinag-uutos ng lokal na pamahalaan ang paglikas sa mga residente bagamat nasa ilalim na ng signal no. 2 ang silangang bahagi ng Batangas.

Sinabi ni Tangonan na maroong nakahandang 2,000 family assistance package ang LASAC bilang pantulong sa mga maaapektuhang pamilya. “… Sa Eastern portion ng Batangas ay Signal No. 2. We were informed na as of the moment, wala pang mandatory evacuation ang LGU. On our end, may naka stockpile and preposition po tayong 2,000 family assistance package kung kakailanganin,” pahayag ni Tangonan.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 kilometro ng timog-silangang bahagi ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Ito’y may lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour mula sa sentro ng bagyo at may pagbugsong aabot sa 90 km/h sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Inaasahan namang magla-landfall at magdudulot ng malalakas na pag-uulan ang bagyong Dante sa Batangas mamayang alas-singko ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,301 total reads

 86,301 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,929 total reads

 163,929 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,377 total reads

 197,377 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,675 total reads

 232,675 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,810 total reads

 455,810 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,986 total reads

 157,986 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top