Humihiyaw ba ang puso? | Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Hindi lamang minsan tinanong sa akin
sa isang panayam ng mga kabataan
alin daw ba ang dapat nilang pakinggan:
sigaw ng puso o sigaw ng isipan?
"Trending" ang tanong
at ang mabilis kong tugon
palagi nilang unang pakinggan
sinisigaw ng kanilang mga magulang!
Matapos ang tawanan
aking pinagnilayan at binalik
sa kanila isa pang katanungan:
ang puso ba ay humihiyaw
sa paghahayag ng kanyang kalooban?
Hindi ba maging kanyang pagtibok 
sadyang napakahina, tayo ay hinihimok 
taimtim na sa kanya makinig?
Kung ang puso ma'y 
humihiyaw, isinisigaw
kanyang nilalaman
marahil wala tayong
masyadong alitan
at mga kaguluhan
dahil sa bawat pintig ng puso
naroon tinig ng pag-ibig na dalisay.
Naalala mo ba una mong pagsinta
first love kung tawagin
ngunit kay hirap limutin
kakaibang naramdaman
binabalik-balikan
sa lilim ng katahimikan
iyong iniingat-ingatan
na huwag mabunyag at malaman?
Noong bata pa tayo
at wala pang kamuwang-muwang
sa kalokohan at kasinungalingan
bulong ng puso madaling napapakinggan
ngunit sa ating pagtanda
puso atin nang tinuturuan
sariling kagustuhan
siyang laging sundin at pakinggan.
Humiyaw man ang puso
parating pabulong
hirap niyang maiahon
katotohanang ating binaon
kinukuyom-kuyom
naghihintay ng pagkakataon
pawalan katotohanang naroroon
pagdating ng panahon.
Sa tuwing ika'y nasasaktan
sa salitang sa iyo binitiwan
masakit dahil ito ang katotohanan

na noon mo pa alam
ngunit ayaw mong pakinggan
puso mo ay tinalikuran
kaya ika'y babalikan
ibabaon sa katotohanan.
Larawan buhat sa Google.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,081 total reads

 84,081 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,923 total reads

 161,923 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,371 total reads

 195,371 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,669 total reads

 230,669 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,886 total reads

 453,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sealed with the Holy Spirit

 8,494 total reads

 8,494 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October

Read More »

Be my everything, Jesus

 14,631 total reads

 14,631 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October

Read More »

Fatima, our G-U-I-D-A-N-C-E

 10,033 total reads

 10,033 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, 109th Anniversary of Last Apparition of Blessed Virgin Mary

Read More »

It might be you?

 17,673 total reads

 17,673 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October

Read More »
Scroll to Top