Malawakang internal cleansing, hamon ng CHR sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total views

Magsasagawa ng motu propio investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamamaril ng isang pulis sa isang 52-taong gulang na babae sa Barangay Greater Fairview, Quezon City noong ika-31 ng Mayo, 2021.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakababahala at nakadidismaya ang panibagong insidente kung saan mismong mga pulis na dapat sana’y naglilingkod at nagbibigay proteksyon sa mamamayan ang sila pang lumalabag sa karapatang pantao at kumikitil sa buhay ng mga sibilyan.

“This incident is gravely concerning as we expect our police to “serve and protect,” and not be at the frontlines of violating rights, let alone arbitrarily curtailing one’s right to life.”pahayag ni de Guia.

Kaugnay nito, hinimok ni de Guia ang Philippine National Police na paigtingin ang isinasagawang internal cleansing upang hindi na muling maulit pa ang mga ganitong uri ng insidente.

Sinabi ni de Guia na hindi sapat ang pagsasagawa ng internal cleansing sa halip ay wakasan ng pamunuan ng P-N-P ang mga kaso ng human rights violation ng mga pulis laban sa mga sibilyan.

Iginiit din ng tagapagsalita ng C-H-R na kinakailangan tugunan ng P-N-P at pamahalaan ang mga kasong kinasasangkutan ng mga alagad ng batas sa halip na maging ningas-cogon lamang sa nagaganap na karahasan.

“After a string of recent deaths and killings being attributed to police officers, we urge the PNP to translate commitments of internal cleansing into actual reduction of cases of human rights violations on the ground. One death is one too many. We urge the government to address these violations with the larger view that the protection of human rights is primarily a state obligation.” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Ang pahayag ng komisyon ay kasunod ng panibagong insidente na pamamaril ng pulis na nakilalang si Police Master Sergeant Hensie Zinampan sa 52-taong gulang na si Lilibeth Valdez sa Barangay Greater Fairview, Quezon City na nakuhanan ng video at inupload sa social media.

Naunang umapela sa pamunuan ng P-N-P ang mga Obispo ng Simbahang Katolika na magsagawa ng internal cleansing at suriin ang katapatan, kredibilidad at abilidad ng nasa higit 190,000 mga pulis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,751 total views

 49,751 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 174,162 total views

 174,162 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,430 total views

 216,430 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 294,242 total views

 294,242 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 2,949 total views

 2,949 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top