Military Bishop, dismayado sa pagkakasangkot ng isang pulis sa karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Military Ordinariate of the Philippines sa panibagong insidente ng pamamaril ng isang pulis sa isang 52-taong gulang na ginang sa Barangay Greater Fairview, Quezon City noong ika-31 ng Mayo, 2021.

Ayon kay Military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio, bagamat nakalulungkot ang panibagong insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng isang kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay hindi naman naaangkop na lahatin ang mga pulis.

Ipinaliwanag ng Obispo na maituturing na isolated case ang naganap kaya’t hindi dapat na matakot ang publiko sa mga alagad ng batas.

Inihayag ni Bishop Florencio na hindi lahat ng mga pulis ay mayroong marahas na pag-iisip.

“Ako po ay nalulungkot dahil doon sa nangyari dun sa isang pulis last May 31, gusto ko lang ipaliwanag at bigyan din ng [diin] na hindi lahat ay ganyan ang mga utak ng pulis natin, huwag kayong matakot kasi this is something isolated an isolated case pero hindi natin maano [mapigilan] kasi alam natin na kasamahan siya natin, ng mga pulis so minsan nagi-generalized natin I understand, but huwag po natin i-generalized lahat dahil hindi naman po lahat ganyan ang mga utak ng mga pulis natin, mayroon din tayong mababait na pulis at siguro naman huwag natin i-stereotype na lahat nalang ay mayroong ganyang pag-iisip…” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Nakiusap din si Bishop Florencio sa bawat Filipino na huwag tuluyang mawalan ng tiwala at pag-asa sa mga pulis sapagkat marami pa rin sa mga kawani ng PNP ang matitino, mababait at tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

“Sa ating mga kababayan, sa mga mamamayan natin ipagpatuloy natin ang ating our trust and confidence sa ating mga pulis dahil ito po ay mayroon din silang sinumpaan na mga commitment din sa atin sa bayan at sa taong Filipino…” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Tiniyak rin ni Bishop Florencio na bilang Obispo ng Military Diocese ay mayroong ginawang mga hakbang ang Military Ordinariate of the Philippines upang higit na mapaigting hindi lamang ang espiritwalidad kundi maging ang moralidad ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ayon sa Obispo, mahalaga na mabigyang ng naangkop na pansin ang moralidad ng mga pulis upang higit na magampanan ng bawat isa ang kanilang tungkulin ng hindi lamang nakabatay sa batas ng tao kundi maging sa batas ng Diyos.

“As Military Ordinariate Bishop I can assure you that we are doing something, in fact tinawagan po ako ng ating mga Chief Chaplain sa pulis na papaigtingin daw nila itong moral enhancement, kasi sa tingin ko doon kailangan lang talaga ito ng kaunting sabihin natin pansin sa kanila.” Pagbabahagi pa ni Bishop Florencio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,000 total reads

 84,000 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,843 total reads

 161,843 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,291 total reads

 195,291 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,589 total reads

 230,589 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,808 total reads

 453,808 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top