Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hustisyang batay sa ebidensya

SHARE THE TRUTH

 483 total views

Mga Kapanalig, sa pagpapalit ng taon ay sumalubong sa atin ang balita ng pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Angelica Dacera. Natagpuang wala ng buhay ang dalaga sa bathtub ng isang hotel sa Makati matapos daw ang isa New Year’s party kasama ang kaniyang mga kaibigan. Makalipas lamang ang limang araw, idineklara na ng Philippine National Police (PNP) na ‘solved’ ang kaso matapos lamang arestuhin ang tatlo sa mga itinuturong suspect at sampahan sila ng rape with homicide. Dahil dito, naging maugong na naman ang usapan ukol sa panggagahasa o rape. Ngunit nasaan ang mga ebidensya upang matukoy ang tunay na nangyari?

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, tingin niya ay ginahasa ang dalaga dahil sa mga bruises o pasa, lacerations, at fluids na natagpuan sa katawan ni Christine. Ngunit hindi raw niya maisisiwalat ang kanilang mga ebidensya upang patunayan ito sapagkat gumugulong pa ang imbestigasyon. Aniya, “We have evidence that we could not reveal now.”

Sa parehong araw ng pagpapahayag ng PNP Chief na ginahasa ang dalaga, sinabi naman ni Makati Chief Harold Depositar na aortic aneurysm o pagputok ng ugat sa puso ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga. Ito raw ay maaaring dala ng malakas na level ng alcohol sa katawan. Ngunit ayon sa pamilya ni Christine, hindi raw kumpleto at kumprehensibo ang isinagawang autopsy sa labi ng dalaga.

Matapos ang palugit ng PNP na 72 oras upang sumuko ang nalalabing suspek at ang bantang ‘man hunt’ sa mga ito, iniutos ng Makati City Prosecutor’s Office noong January 6 ang pagpapalaya sa tatlong suspect dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya upang patunayang ginahasa nga ang dalaga at kung salarin nga ang tatlong suspect na inaresto. Lalong uminit ang usapan ng mga tao ukol sa nangyari kay Christine kasabay ng pag-aalok ng mga pulitiko ng pabuya sa mga makapagtuturo sa mga nalalabing suspect. Para naman sa mga pinalayang suspect, hindi nila magagawa sa kanilang kaibigan ang paratang sa kanila. Samantala, patuloy na naghahanap ng kalinawan ang pamilya ni Christine sa tunay na nangyari sa kanya at hustisya kung mayroon ngang may sala.



Naniniwala ang Simbahang Katolika na walang hustisya kung walang katotohanan. Sa Panlipunang Turo ng Simbahan, ang hustisya at katotohanan ay kinakailangan upang maayos ang nasirang relasyon dala ng krimen o hidwaan. Sabi nga sa encyclical ni Santo John XXIII, “…[for] the order [to] prevail in human society… its foundation is truth, and it must be brought into effect by justice.” Hindi lamang ang pagpaparusa sa kung sinumang mapapatunayang nagkasala ang daan sa hustisya, kundi ang pag-alam ng katotohanan.

Kaya naman mahalagang bigyang-diin: Nasaan ang ebidensiya? Sa kabila ng diskusyon ng mga tao sa social media kung tunay nga bang ginahasa ang dalaga o aneurysm ang sanhi ng kaniyang pagkamatay, kasabay ng maiinit na argumento na nauuwi pa sa maling pagsisi sa biktima ng rape, nalilihis tayo sa pagtukoy ng responsibilidad ng pamahalaan na gawing wasto ang imbestigasyon. Ang magkakasalungat na pahayag ng kapulisan ay nagdudulot ng kalituhan sa publiko at pagdududa sa kredibilidad ng ahensya. Hindi makatuwiran ang ideklarang ‘solved’ ang isang kaso batay lamang sa pagtingin ng pinakamataas na lider ng kanilang hanay at ng walang sapat na ebidensya. Maling isakdal ang mga taong hindi naman mapapatunayang may sala. Sa pananawagan ng hutisya, kinakailangan ang pagsunod sa tamang proseso at masusing pagkilatis sa ebidensya.

Mga Kapanalig, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, hindi tayo dapat magbatay sa haka-haka lamang o mga pahayag na walang matibay na ebidensya. Kinakailangang hanapin ang totoo, “sapagkat ang katotohanan ay nasa atin ngayon at magpakailanman” (2 Juan 1:2).

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 13,781 total views

 13,781 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 20,904 total views

 20,904 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 28,107 total views

 28,107 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 33,461 total views

 33,461 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 41,067 total views

 41,067 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 13,782 total views

 13,782 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 20,905 total views

 20,905 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 28,108 total views

 28,108 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 33,462 total views

 33,462 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 41,068 total views

 41,068 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 34,779 total views

 34,779 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 74,361 total views

 74,361 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 81,915 total views

 81,915 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 77,798 total views

 77,798 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 89,345 total views

 89,345 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 93,452 total views

 93,452 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 70,349 total views

 70,349 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 70,317 total views

 70,317 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 69,668 total views

 69,668 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 63,201 total views

 63,201 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top