Huwag maging ganid sa kapangyarihan, apela ng Arsobispo sa government leaders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,161 total views

Umapela si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy sa lahat ng lider ng lipunan na iwasan ang pagkaganid sa kapangyarihan at manatiling tapat sa paglilingkod.

Ito ang kanyang mensahe sa paggunita ng National Heroes Day, isang natatanging araw upang alalahanin ang mga bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa.
Ayon kay Archbishop-designate Uy, ang kanilang sakripisyo ay pagsasabuhay sa halimbawa ni Hesus na nag-alay ng sarili para sa katubusan ng sanlibutan.

“Heroism is not only about dying for our country; it is about living each day with love, sacrifice, and integrity… National Heroes Day is also a call for our leaders—whether in government, the Church, business, or community service—to resist the temptations of greed and power,” ani ng arsobispo.

Binigyang-diin ng arsobispo ang mga hamon ng kasalukuyan kung saan patuloy na pinahihina ng katiwalian, korapsyon, at kawalang-katapatan ang mga institusyon ng bansa—mga sugat na higit na nagpapahirap sa mahihirap.

Giit niya, “These are not just political or social problems—they are moral and spiritual wounds.”

Dagdag pa ni Archbishop-designate Uy, ang mga suliraning ito ay hamon hindi lamang sa mga lider kundi sa lahat ng mamamayan: “May this National Heroes Day inspire us to reclaim the spirit of courage and sacrifice. Let us pray for our leaders, that they may have the strength to reject corruption and instead choose the path of integrity, service, and justice. Let us also renew our own commitment to be everyday heroes—living with faith, hope, and love, so that our beloved Philippines may continue to rise toward a future of truth, unity, and peace.”

Ipinaalala rin ng arsobispo na ang pagiging bayani ay hindi lamang para sa mga pinuno ng lipunan kundi para sa bawat isa.

Aniya, bayani ang mga magulang na nagsusumikap para sa pamilya, ang kabataan na tumatanggi sa pandaraya at kawalang-katapatan, at ang mga komunidad na nagmamalasakit sa mahihirap, nangangalaga sa kalikasan, at nagsasabuhay ng habag at malasakit.

Ipinagdiriwang ang National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto alinsunod sa Republic Act No. 9492. Tema ngayong taon ang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan” (One Spirit, One Race, One Bayanihan) na naglalayong isulong ang pagkakaisa para sa kabutihan ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 160,769 total views

 160,769 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 182,879 total views

 182,879 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 255,595 total views

 255,595 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 246,683 total views

 246,683 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top