Prayer for World Peace, ibinahagi ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,166 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos ng mas maigting na pananalangin at pagkakaisa para sa kapayapaan sa buong mundo.

Ito ang mensahe ng obispo kasabay ng pakikiisa sa panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang Holy Hour Reflection for World Peace.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang kapayapaan ay nagmumula kay Kristo na muling nabuhay at kasalukuyang kumikilos kasama ng sangkatauhan.

“He is not distant, not absent, but truly here among us. He comes not as a memory of the past, but as the Living One who stands before us now. And His first word is the same word He spoke to His apostles: “Peace be with you,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Iginiit din ng obispo na ang kapayapaan ng Panginoon ay hindi hatid ng paghatol kundi ng awa at presensya.

“He stands in the midst of our lives—not to judge us, but to restore us; not to condemn us, but to love us,” na ang mismong presensya ni Hesus ang nagiging tunay na kapayapaan ng tao.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na dalhin sa panalangin ang kalagayan ng mundo, lalo na ang mga apektado ng digmaan at karahasan, kabilang ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na nahaharap sa panganib at kawalang-katiyakan.

“We think of families living in fear, of children awakened by violence, of communities torn apart by conflict. We do not come with answers or solutions, but we bring them into the presence of Jesus,” ani ng obispo.

Ipinaalala rin ng pastol na ang tunay na kapayapaan ay nangangailangan ng pagtitiyaga at paghubog.
Panawagan ng obispo sa mga pinuno ng mga bansa na magkaisa sa layuning isulong ang pagbuuklod tungo sa kapayapaan.

“We pray for leaders who choose dialogue over conflict, and for nations that seek reconciliation over retaliation.”
Muling iginiit ni Bishop Santos ang pakikiisa sa Santo Papa sa pagsusulong ng kapayapaan sa mundo.

“We have not come to solve the problems of the world, but to stand in the presence of the One who is its peace,” at panalangin na “may the peace of the Risen Christ dwell within us, and through us, reach others.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,364 total reads

 73,364 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,487 total reads

 108,487 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,787 total reads

 143,787 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,056 total reads

 370,056 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,441 total reads

 259,441 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top