188 total views
Hindi dapat magpasilaw sa pansamantalang katanyagan at kapangyarihan na panandalian lamang.
Ito ang panawagan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga kabataang sa pagsisimula ng 3-day Philippine Apostolic Congress on Mercy (PACOM4) sa San Juan Arena.
“The Lord asked everything of us and in return he offered us to a life the happiness for which we are created. He wants us to be Saints and not to settle for a bland mediocre existence. Our society offers instant fame and beauty. Our people enticed us with false adulation, fake news and empty promises,” bahagi ng homiliya ni Bishop Santos.
Si Bishop Santos ay ang kasalukuyang Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Episcopal chairman ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) sa Asia.
“They prompt us to be powerful and to be popular, but all of these would never guarantee meaningful and fulfilled life. All these will pass away. Let us not forget that only God is eternal, only God is absolute. Only God matters and His mercy and yours forever!,” dagdag pa ng Obispo.
Ang misa ay pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Giordano Caccia kung saan si Bishop Santos naman ang nagbigay ng pagninilay.
Hinimok ng Obispo ang mga kabataan na ‘huwag matakot, huwag sayangin ang buhay at huwag talikuran ang pananampalataya’.
Ayon kay Bishop Santos, ito ang tatlong mahalagang mensahe ni Kristo patungkol sa mga kabataan na dapat taglayin bilang pagtalima tulad na rin ng mga ipinakitang pagsunod ng Mahal na Birhen at Saint Maria Faustina.
Si Sister Faustina ay isang Polish Catholic nun na pinagpakitaan ni Hesu Kristo na siyang naging inspirasyon ng simbahan sa pagdedebosyon sa ‘Divine Mercy’ at tinawag din siya bilang bilang ‘Apostle of Divine Mercy’.
Tinatayang higit sa tatlong libo ang bilang ng mga delegado sa pagtitipon na dinaluhan din ng mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas na pinangungunahan ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.