Huwag magpatakot sa terorismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total reads

Pagkakaisa at pagiging listo o vigilant ang naaangkop na tugon sa patuloy na banta ng terorismo sa bansa.

Ayon kay Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, chairman ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, mahalagang ang bawat Filipino ay may matatag na kalooban, may malinaw na pag-iisip at handang labanan ang anumang uri ng banta sa kapayapaan at kaayusan ng bayan.

Iginiit ng Arsobispo na hindi dapat magpadala sa takot ang taumbayan sa kabila ng posibilidad ng kapahamakang dulot ng mga teroristang grupo.

Inihayag ni Archbishop Tirona na ang takot ay nagdudulot lamang ng kalituhan at pagdidilim ng kaisipan na nais maipalaganap ng mga naghahasik ng terorismo. “Tungkol sa mga tao na natatakot sa paglaganap o pagkalat ng mga terorismo, yun ang mas lalong gusto ng kalaban o ng mga naghahasik na terorismo na tayo ay matakot. Kapag tayo ay natatakot hindi tayo nakakakilos, nagdidilim ang ating pag-iisip, importante na ang Filipino sa kanyang kalooban ay matatag, matapang, maliwanag ang pag-iisip at handang labanan ang anumang uri ng mga bagay na sumisira sa ating kapayapaan.Huwag nating hayaang takutin tayo ng terorismo sa halip labanan at talunin natin ang terorismo sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagiging vigilant para sa kapakanan ng ating bayan…”pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, umaapela ang Philippine National Police sa publiko na huwag basta maniwala at iwasan ang pagpapasa o pagbabahagi ng mga sensitibong impormasyon na maaring magdulot ng pangamba, takot at panic sa mga mamamayan.

Hinimok ng PNP ang mamamayan na maging maingat at agad na ireport sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang tao o bagay na mapapansin sa pamayanan.

Nauna nang inihayag ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isinasagawang imbestigasyon ng ahensya kaugnay sa kumakalat na hind beripikadong memorandum na galing umano sa Valenzuela Police Station kung saan nakasaad ang tangkang pag-atake ng teroristang grupong Maute sa ilang mall sa Quezon City, Quiapo at Makati.

Batay sa pagsusuri ng Global Terrorism Index noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo sa buong mundo.

Hinihikayat naman ng Simbahan ang mamamayan na magdasal, maging mapagmatyag at maging handa sa iba’t ibang sitwasyon at banta ng karahasan.

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,825 total reads

 54,825 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,236 total reads

 134,236 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,681 total reads

 167,681 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,979 total reads

 202,979 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,312 total reads

 427,312 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top