Huwarang Bansa at Syudad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Kapanalig, ang pagpapalago ng ating mga syudad ay hindi kailangang puro kongkreto at puro sasakyan. Ang kaunlaran ng isang syudad, kapanalig, ay hindi dapat makikita sa bilang ng mga gusali o mga oto. Dapat, ang maging pamantayan natin ng kaunlaran ay ang kalidad ng ating buhay. Sa ingles, quality of life.

Kamusta nga ba ang quality of life sa ating bansa? Isa sa mga nakilalang pamantayan ng kalidad ng buhay sa mga bansa ay ang human development index (HDI) ng United Nations. Ayon sa 2016 report nito, bumaba ng isang bilang ang ranggo natin kumpara noong 2015. Noong 2016, naging pang 116 tayo sa 188 na bansa. Noong 2015, nasa pang 115 na tayo, ranggo na tumaas pa ng dalawang baytang mula noong 2014 kung saan tayo ay pang 117. Ang HDI kapanalig ay sinusukat ang mga bansa sa tatlong dimension ng human development: mahaba at malusog na buhay, access sa kaalaman o knowledge; at disenteng pamantayan ng buhay o standard of living. Sa buong mundo, nangunguna ang Norway pagdating sa HDI.

Kung tititingnan naman natin kapanalig, ang global liveability index ng Mercer, makikita natin na medyo kulelat pa rin ang ating bansa, partikular na ang Manila. Kumpara sa mga syudad sa 236 na bansa, pang 136 ang Manila kapanalig. Ang survey na ito ng Mercer ay ginagamit ng maraming kumpanya at employers upang malaman ang living conditions sa iba ibang bansa. Sinusuri nito ang ilang mga aspeto gaya ng political at social environment, economic environment, socio-cultural environment, medikal at pangkalusugan, pati na rin estado ng sector ng edukasyon, pampublikong serbisyo, at iba pa. Sa Asya, kapanalig, Singapore ang nauuna. Sa buong mundo, nangunguna ang Vienna.

Nahuhuli man tayo pagdating sa kalidad ng buhay, hindi naman tayo dapat mawalan ng pag-asa. Marami pang pagkakaton na maisasa-ayos natin ang kalagayan ng bansa. Ang HDI at Liveability Index ay isang gabay lamang. Ano nga ba ang meron sa mga nangungunang bansa? May mga ehemplo ba sila na maaring magamit sa ating konteksto? Kung susuriin, hindi ang ang mga super powers and nangunguna. Hindi lamang yaman kasi ang batayan pagdating sa kalidad ng buhay.

Kapanalig, ang pag-angat ng ating kalidad ng buhay ay isang mahalagang gawain na dapat iprayoridad ng ating bansa. Ito ay pro-poor. Ito ay pro-country. Ito ay nagsusulong ng panlipunang katarungan. Ang ating dating mahal na papa na si Pope Benedict ay may mahalagang gabay na nawa’y udyukan tayong kumilos: Within the community of believers there can never be room for a poverty that denies anyone what is needed for a dignified life (sa ating mga nananalig sa Diyos, walang puwang ang karalitaan na nagnanakaw ng dangal ng ating buhay – Deus Caritas Est).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,842 total reads

 61,842 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,806 total reads

 140,806 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,251 total reads

 174,251 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,549 total reads

 209,549 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,591 total reads

 433,591 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 61,843 total reads

 61,843 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,807 total reads

 140,807 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,252 total reads

 174,252 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,550 total reads

 209,550 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top