Walk for Life, isasagawa ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total reads

Magsasagawa ng “Walk for Life” ang Diocese of Kalookan sa Navotas city para tuligsain ang patuloy na kawalan ng due process sa kampanya ng pamahalaan kontra droga at nagaganap na Extra Judicial Killings sa lugar.

Inaanyayahan ni Atty. Au Garcia, Head ng Council of the Laity ng Diocese of Kalookan ang mga mamamayan at iba’t-ibang organisasyon sa diyosesis na makiisa sa patuloy na paninindigan para sa kasagraduhan ng buhay.

“Kaya ito po ang panawagan namin sa mga parishioners ng different parishes in Navotas na mag-join sila at puwede din pong sumali yung mga ibang organization ng mga ibang sa Diocese of Caloocan down from Malabon and Caloocan City para po maipahayag natin ang ating saloobin na ayaw natin dito sa ganyang Extra judicial killing”pahayag ni Garcia sa panayam ng Radio Veritas.

Linggo, ika-2 ng Hulyo ganap na alas-singko ng umaga magsisimula ang Walk for Life mula San Ildefonso Parish sa Navotas East patungo sa San Jose de Navotas Church kung saan magsasagawa ng misa sa pangunguna ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Nauna nang umapela si Bishop David sa bawat parokya na mag-report sa bilang ng mga biktima ng pagpaslang sa kanilang mga lugar kung saan una nang naitala sa Navotas City na 6 na indibidwal ang namamatay sa loob lamang ng buong magdamag o halos 5 oras.

“So ang atin pong event this upcoming Sunday, July 2- alas-singko po ng umaga ay our local version of the Walk for Life dito po sa Navotas City, ang converting point po dito sa San Ildefonso Parish sa Simbahan po dito sa Navotas East at tutungo po sa San Jose de Navotas Church na magkakaroon naman ng misa alas-sais kinse ng umaga, ang mag-mimisa po ay si Bishop Pablo Virgilio David tapos kasama ang mga lahat ng parish priest at pari ng Navotas City…” pagbabahagi ni Garcia.

Magugunitang ika-18 ng Pebrero ng isinagawa sa Quirino Grandstand ang Walk For Life na pinangunahan ng Council of the Laity ng Pilipinas sa gabay ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity kung saan tinatayang aabot sa higit 10,000-indibidwal mula sa 17 mga diyosesis sa bansa ang nakiisa bilang pagpapakita ng paninindigan sa pagsusulong sa kasagraduhan ng buhay at maipaabot sa pamahalaan ang mensaheng ang “Yes To Culture Of Life, No To Culture Of Death”.

Noong ika-4 hanggang ika-21 ng Mayo, pinangunahan ng Simbahang Katolika at mga non-governmental organizations ang 21-day Lakbay Buhay march caravan for life na nagsimula sa Cagayan de Oro at nagtapos sa Senate of the Philippines.

Read: Kamatayan ang hatid sa mga kabataan ng death penalty

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 465 total reads

 465 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,140 total reads

 221,140 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 255,813 total reads

 255,813 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 271,713 total reads

 271,713 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 308,172 total reads

 308,172 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 48,051 total reads

 48,051 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top