Ibahagi ang sarili sa mga apektado ng baha sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 356 total views

Hinimok ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo ang bawat isa na magtulungan at maging instrumento ng Diyos sa pagpapamalas ng kanyang awa at pagmamahal.

Sa pagtatapos ng ika-4 na World Apostolic Congress on Mercy at kasalukuyan pagdanas ng maraming mga residente sa Mindanao ng pagbaha dulot ng walang patid na pag-ulan, sinabi ni Bishop Pabillo na hindi dapat mawalan ng pag-asa at pananampalataya sa awa ng Diyos.

Paninindigan ng Obispo, palagi nariyan ang awa ng diyos bagamat nakakaranas tayo ng pinsala mula sa mga kalamidad at ito ay isang panawagan para sa mga hindi naapektuhan na tumulong at ibahagi ang sarili sa mga nangangailangan.

“Sana hindi sila mawalan ng pag-asa na ang Diyos ay mahabagin, ibig sabihin makakaahon din sila sa ganitong kalagayan nila at sila’y magtulungan [dahil] sa kanilang solidarity o pagtutulungan maipapadama sa isa’t-isa na hindi sila nag-iisa at ganun din po sa mga taong hindi naapektuhan, ang ating pagtulong sa mga naapektuhan ano mang kalamidad ay pagpapakita ng habag ng Diyos sa mga taong nasalanta ng kalamidad.”pahayag ni Bishop Pabillo.

Magugunitang patuloy ang pag-apela ngayon ng tulong ng iba’t-ibang diyosesis sa Mindanao matapos lumubog sa baha ang maraming kabahayan partikular na sa Cagayan De Oro, Agusan Del Norte, Davao Del Norte at Compostela Valley.

Kasalukuyan na rin ngayon nangangalap ng pondo ang Caritas Manila, ang social Arm ng arkidiyosesis ng Maynila para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Inihayag ni Caritas Manila executive director Father Anton Pascual na magpapadala ang social arm ng Archdiocese of Manila ng pondo para sa mga fiber glass boat na gagamitin sa rescue at relief operations sa Mindanao.

See. http://www.veritas846.ph/carita-manila-magpapadala-ng-pondo-para-sa-karagdagang-fiberglass-boat-sa-mindanao/

Sa ulat ng United Nations noong taong 2015, ika-apat ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-nakararanas ng mga kalamidad sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 90,017 total views

 90,017 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 113,176 total views

 113,176 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 134,450 total views

 134,450 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 297,738 total views

 297,738 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 72,532 total views

 72,532 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top