52,243 total views
Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira, nagkaroon ng lamat., maraming pamilya at kamag-anak ang nag-away at nagkagulo, tutukan naman natin ang naka-pending na kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ito ang kauna-unahan na isang dating pangulo ng isang bansa ay nahaharap sa kasong crime against humanity.Mahalaga para sa ating mga Pilipino na maunawaan ang mga prinsipyo at legal na proseso ng ICC upang sa gayon, mayroon tayong matibay na basehan, hindi tayo mapapahiya sa ating pagiging mahilig sa debate online.
Bakit hinuli ng INTERPOL si Duterte mismo sa teritoryo ng Pilipinas? Bakit may hurisdiksyon ang ICC sa kaso ng dating Pangulo?
Kapanalig, ang Pilipinas ay signatory at nag-ratify sa Rome Statute kaya kailangan nitong tumalima sa kasunduan. Kahit nag-withdraw ng membership ang Pilipinas sa Rome Statute sa ilalim ng administrasyong Duterte, marami sa mga krimen laban sa dating Pangulo ay nagawa noong pang miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute.
Kapaloob sa Rome Statute na ang “crime against humanity” ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC. Bahagi ng paglabag sa karapatang pantao ang “large scale attack vs civilian population” na kinabibilangan ng pagpatay.
Mayroon bang inihaing reklamo? Aalamin ito ng ICC Office of the Prosecutor kung mayroong sapat na katibayan ang kaso na nasa jurisdiction ng ICC at mayroon bang domestic proceedings sa Pilipinas kung saan ginawa ang kaso.
Matapos mangalap ng mga katibayan at makilanlan ang suspek o akusado, hihilingin ng ICC prosecution sa ICC judges na magpalabas ng arrest warrant. Kapag mayroon ng arrest warrant, ipinagkakatiwala ng ICC sa Pilipinas ang pagdakip at pag-transfer ng akusado sa ICC sa The Hague, Netherlands. Kapag hindi boluntaryong humarap sa ICC ang akusado, dadakpin ito sa pakikipag-coordinate sa bansa kung saan nangyari ang krimen.
Susunod ang pre-trial stage Kapanalig, kukumpirmahin ng pre-trial judges ang totoong pagkatao ng suspek at aalamin kung nauunawain ng nasabing akusado ang kinakaharap niyang kaso. Sa kaso ni Duterte, hindi pa naisasakatuparan ang confirmation hearings kung saan magde-decide ang mga hukom matapos ang pakinggan ang argumento ng prosecution at defense at legal representatives ng mga biktima kung mayroong sapat na ebidensiya upang ituloy ang kaso.
Sa harap ng tatlong trial judges, patutunayan ng prosekusyon “beyond reasonable doubt” ang pagkakasala ng akusado habang idinidepensa naman ito ng kanyang mga abogado. Matapos nito, bubusisiin ng mga trial judge ang mga ebidensiya ng prosecution at defense at magpapalabas ng hatol. Kung ang hatol ay guilty, maaring magtatakda ang mga hukom ng parusang 30-taong pagkakabilanggo o habang buhay na pagkakabilanggo.
Kapag i-apela ang desisyon ng trial judges, ang appeal chamber na binubuo ng 5-hukom ay magde-decide kung katigan, baliktarin, i-revise o i-modify ito o maari ding mag-utos ng panibagong paglilitis. Ang desisyon ng appeals chamber na pagpapatibay o pagpapawalang bisa sa desisyon ay final at executory na Kapanalig. Kung magiging guilty, ang akusado ay i-turn over sa ICC prison, kung pinawalang sala, agad na palalayain ang akusado.
Kapanalig, tayong mga Kristiyano-Katoliko ay mapagpatawad.. Sinasabi nga sa “Mathew 6:14-16 –For if you forgive others their trespasses, your heavenly Father will also forgive you, but if you do not forgive others their trespasses, neither will your Father forgive your trespasses.
Sumainyo ang katotohanan.