1,368 total views
Pumili ng lider na may katangian ng isang mabuting pastol at hindi makasarili.
Ito ang panawagan ni Diocese of Kabankalan Bishop Louie Galbines sa mga mananampalataya para sa nalalapit na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.
Ayon kay Bishop Galbines, dapat pagnilayan ng mga botante ang ihahalal na opisyal ng pamahalaan batay sa kakayanan nito na mamuno tulad ng isang mabuting pastol na may takot sa Diyos at puso na para sa kanyang mga pinaglilingkuran.
Sinabi ni Bishop Galbines na hindi dapat mangibabaw ang personal na interes at kapakanan ng iilan lamang sa pagpili ng mamumuno sa ating bansa at iba pang sangay ng pamahalaan.
“Its very crucial because leaders should have a heart for the people and that is what politics all about. Its the common good not the personal interest so i was telling all my people ever since that choose a candidate who has a heart for the people, faith in God and most especially do not have any personal interest.” Pahayag ni Bishop Galbines sa panayam ng Radyo Veritas.
Nanindigan ang Obispo na dapat bumoto ang mamamayan batay sa kanyang konsesya ngunit dapat isa-alang na ang piniling kandidato ay may takot at paniniwala sa Diyos.
“I hope that people will be really awaken especially in their conscience that there voice should be the voice of God. So we know all leadership comes from God and only people with fear and love of God can really deliver what really God wants for his people”dagdag pa ng Obispo ng Kabankalan, Negros Occidental.
Pinaalalahan din ng Obispo ang mga kandidato na pairalin ang kanilang konsensya sa kanilang mga adhikain at tiyakin na ito ay para sa paglilingkod at hindi para lamang sa sarili.
“I think our leaders should also have in their conscience how can they get the fullness of life and the service to the people.”
Batay sa datos tinatayang aabot sa mahigit 2 milyon ang rehistradong botante sa lalawigan ng Negros Occidental kung saan nahahati ito sa dalawang diyosesis, ang Diocese ng Kabankalan at Diocese ng Bacolod.
Magugunitang isa din ang probinsya ng Negros Occidental sa pinakasinalanta ng pananalasa ng bagyong Odette Disyembre ng taong 2021.