10-utos ng Diyos, gamitin sa paghalal ng mga opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,158 total reads

Ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi isang palamuti lamang.

Ito ang binigyang diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Southwest Luzon Regional Representative Malolos Bishop Dennis Villarojo sa kahalagahan ng ganap na pagsasabuhay sa mga turo o pangaral ni Hesus lalo na para sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon sa Obispo, hindi lamang limitado sa pagdarasal at paggawa ng mga gawaing pansimbahan ang pananampalatayang Kristiyano sa halip ay nakapaloob mismo sa buhay at pagkatao ng bawat isa.

Ipinaliwanag ni Bishop Villarojo na marapat na maging batayan ang mga turo o pangaral ni Hesus sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal na pinuno ng bansa.

“Ang ating pananampalataya ay hindi lamang palamuti, hindi lamang ito limited sa pagdarasal at paggawa ng mga gawaing relihiyoso kundi ito ay dapat na isabuhay at nagkukulay din ito sa ating pag-iisip at damdamin kaya kailangan na ang pananampalatayang ito na mga parangal sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ay magiging batayan ng ating pagpili [ng ihahalal].”pahayag ni Bishop Villarojo sa panayam sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na mahalagang suriin muli ng bawat isa ang Salita ng Diyos partikular na ang Ten Commandments o ang Sampung Utos ng Diyos upang maging batayan sa pagpili ng karapat-dapat na iboto sa darating na halalan.

Ayon kay Bishop Villarojo, dapat na tuwinang isabuhay at isaisip ng bawat isa ang nasasaad sa Sampung Utos ng Diyos partikular na ang huwag pumatay, huwag magnakaw at huwag manirang puri ng kapwa.

Iginiit ng Obispo na dapat ito maipamalas sa pang-araw-araw na buhay, sa pakikibahagi sa iba’t ibang usaping panlipunan lalo’t higit sa pagpili ng ihahalal sa halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

“Kailangan nating basahin ang Salita ng Diyos na nagsasabi sa atin na maging mabuting tao, ang Ten Commandments na nagsasabing huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag manirang puri, itong mga bagay na ito ay dapat isabuhay natin at ang pagsasabuhay na ito ay hindi lamang sa tahanan kundi yung engagement natin yung gawain natin sa lipunan sa lahat ng aspekto ng ating buhay, kaya sa ating pagboboto o pagpipili [ng ihahalal] ay dapat na nakabatay doon sa Ten Commandments.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Matatandaang layunin ng inilunsad na One Godly Vote election campaign ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas 846, TV Maria at Manila Archdiocesan Office of Communications ay upang magabayan ang bawat botante sa paghalal ng mga kandidatong maka-Diyos at may hangaring solusyonan ang mga suliranin ng bansa sa maka-Diyos at makataong pamamaraan batay sa Social Doctrines.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,533 total reads

 8,533 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,295 total reads

 35,295 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,855 total reads

 75,854 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,077 total reads

 102,077 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,344 total reads

 150,344 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,854 total reads

 170,854 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,534 total reads

 8,534 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 9,867 total reads

 9,867 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top