Talikuran ang mga gawaing nakakasira sa kalikasan, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,137 total reads

Ibagay ang lifestyle sa suliraning hinaharap ng kalikasan.

Ito ang hamon ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya ngayong ipinagdiriwang ang Earth Day.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship, ang bawat isa ay pinapaalalahanan sa pagiging mabuting katiwala na pangangalagaan at pagyabungin ang ating nag-iisang tahanan.

“Itong Earth Day na ito ay paanyaya sa lahat na balik-balikan natin ang ating tungkulin na pahalagahan, i-appreciate, at pangalagaan ang biyaya ng mundong ito na ibinigay sa atin ng Diyos,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Tulad ng paulit-ulit na paalala ng Simbahan at makakalikasang grupo, iginiit ni Bishop Pabillo na ang mga nangyayaring sakuna sa kapaligiran ay makabuluhang mensahe upang ang mga tao ay simulan nang talikuran ang mga gawaing nakakasira sa kalikasan.

Dagdag pa ng obispo na ito’y paraan na rin upang ang bawat isa ay magtulungan para sa muling pagbangon ng mga komunidad na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

“Kaya habang inaalagaan natin ang mga nabiktima, tayo ay nagiisip-isip na rin. Ano bang magagawa natin upang ang ating lifestyle ay magbigay ng halaga sa inang kalikasan?,” saad ni Bishop Pabillo.

Nauna nang hinamon ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Earth Day.

Ito’y sa pamamagitan ng “dance challenge” na layuning ipalaganap sa pamamagitan ng pagsasayaw ang kamalayan hinggil sa nagaganap na climate change crisis.

Ipinagdiriwang ang Earth Day tuwing April 22 na nagsimula noong taong 1970 sa Estados Unidos at ngayon nama’y ipinagdiriwang ang ika-52 anibersaryo.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 7,405 total reads

 7,405 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 33,375 total reads

 33,375 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 73,934 total reads

 73,934 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 100,273 total reads

 100,273 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 148,540 total reads

 148,540 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 169,124 total reads

 169,124 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,314 total reads

 129,314 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top