Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Ang mga katutubo ay isa sa mga hanay ng mga Filipino na hindi nabibigyan ng sapat na atensyon. Isipin na lamang natin kapanalig nitong pandemya. Nalaman ba natin kung paano sila naapektuhan? Nakamusta ba man lang natin sila?

Ayon sa UNDP,  tinatayang mayroong tayong mga 14-17 million Indigenous Peoples (IPs) na na kasapi ng mga 110 ethno-linguistic groups noong 2013. Ayon naman sa World Bank, nasa 10% hanggang 20% ng ating nasyonal na populasyon ang kanilang bilang, kaya lamang, hindi ito maberipika dahil kulang sa opisyal na datos. At ito na nga siguro ang isa sa pinaka-kapuna-punang ebidensya na hindi natin nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga katutubo. Kung mahirap silang hanapin sa opisyal na datos, paano tayo makakapagbigay ng serbisyo sa kanila?

Maraming hamon sa buhay ng ating mga katutubo kapanalig. Unang una na dito ay karapatan nila sa kanilang lupang sinilangan. Mahirap para sa maraming mga katutubo na ipaglaban ang kanilang mga ancestral lands dahil kailangang na nilang harapin pa ang mga nakakalitong mga proseso upang ma-secure ang kanilang lupang sinilangan. Kadalasan, nauuwi na ito sa karahasan dahil nagpapatong-patong na rin ang mga claims o pag-aangkin sa lupa, IP man o hindi.

Isa pa sa kanilang isyu ay ang kakulangan ng access sa mga pampublikong serbisyo. Marami sa mga IPs o katutubo ay nakatira sa mga uplands o mga remote areas at kadalasan, hirap silang maka-access sa mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at sanitasyon. Naging mas matingkad ang pagkukulang na ito nitong pandemya. Ayon sa pag-aaral mula International Labour Organization (ILO), naging malaking problema ng mga bansa ang access sa elektrisidad at internet  para sa edukasyon sa maraming mga bansa. At dahil nga sa remote areas nakatira ang maraming  mga katutubo, naging hamon din ang health care para sa kanila, lalo noong panahong ng mga lockdowns sa mga bansa.

Ang ating mga katutubo ay ating kapwa-Filipino. Sa ating pag-usad, mahalaga na atin silang makakasama. Sa kanilang hanay makikita ang ganda ng ating kultura at kasaysayan. Sa kanilang hanay makikita ang ating mga angking galing at kasanayan, bago pa man tayo mahaluan ng banyagang kaalaman. Kailangan nating silang protektahan.

Ayon sa Apostolic Exhortation Ecclesia in Oceania ni Pope John Paul II, may tungkulin ang Simbahan na tulungan ang mga katutubong kultura na mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan at mapanatili ang kanilang mga tradisyon. Sana’y pakinggan natin ang panawagan na ito at atin ng isama sa pag-usad ang mga katutubong Filipino.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 6,549 total reads

 6,549 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 31,893 total reads

 31,893 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 72,452 total reads

 72,452 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 98,853 total reads

 98,853 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 147,119 total reads

 147,119 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 167,763 total reads

 167,763 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 31,894 total reads

 31,894 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 72,453 total reads

 72,453 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 98,854 total reads

 98,854 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top