Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 321,582 total reads

Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte. Sa unang session, binalikan ang kuwento ni Raymart Siapo, 19 na taóng gulang mula sa Navotas. Pinatay si Raymart noong 2017 dahil sa pagbebenta umano ng marijuana. 

Binuo ang komisyon noong Mayo para bigyang-espasyo ang paggunita sa buhay ng mga biktimang kagaya ni Raymart. Layunin ng komisyong kilalanin ang kanilang dignidad bilang tao at tulungan ang kanilang mga pamilya na maghilom. Mahalaga ang hangarin ng komisyon “dahil ang katotohanan ay hindi lang para sa kasaysayan, kundi [para din] sa dignidad ng tao at pananagutan ng mga institusyon.”

Adviser ng komisyon si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David ng Diyosesis ng Kalookan. Panawagan niya sa komisyon: “Bigyan ng boses, ng tinig, ang mga nawalan. Gunitain natin ang kanilang buhay. Ilawan natin ang katotohanan.” Ang chairperson naman na si dating International Criminal Court (o ICC) Judge Raul Pangalangan ay nagsabing itatalâ ng Truth Commission ang mga kuwento ng mga biktima ng war on drugs para maging bahagi sila ng kasaysayan. Ang mga miyembro ng komisyon ay sina Carlos Conde, mamamahayag at senior researcher ng Human Rights Asia; Dr Raquel Fortun, isang forensic pathologist; Al Furtes, eksperto sa usaping pangkapayapaan; at Fr Danny Pilario, pangulo ng Adamson University. Ibibigay ng komisyon ang final report nito sa publiko, sa pamahalaan, at sa mga local at international NGOs.

Para kay Atty Salvador Panelo, legal counsel ni dating Pangulong Duterte, hindi kailangan ng ganitong komisyon. Propoganda lamang daw ito, bagay na pinabulaanan ni Chairperson Pangalangan. Aniya, hindi maling ilabas ang katotohanan. Kung malungkot ang ilalabas na katotohanan, iyon pa rin ang katotohanan. 

Kasalukuyang nakapiit si dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague. Humaharap siya sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs, na sa tala ng kapulisan ay bumawi sa buhay ng 6,000 na katao. Malayo ito sa 30,000 kasong na-monitor ng mga civil society organizations, kabilang ang Simbahan. Sa ICC, maaari lamang suriin ang mga kaso noong miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute o mula taóng 2000 hanggang 2019. Matatandaang kumalas ang bansa sa Rome Statute, ang kasunduang nagtatag sa ICC, sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa Truth Commission, pakikinggan ang kuwento ng lahat ng biktima ng war on drugs, kasama ang mga hindi diringgin sa ICC. 

Sinasabi sa Juan 3:21, “ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag.” Hinahamon tayo ng mga panlipunang turo ng Simbahan na pumanig sa katotohanan. Hindi ito optional sa ating mga Kristiyano. Tungkulin nating laging hanapin ang katotohanan at ang panindigan ito. 

Sa isa niyang libro, sinabi ng yumaong Pope Benedict XVI na “the truth comes to rule, not violence, but rather through its power.” May kapangyarihan ang katotohanan na hindi magagapi ng karahasan. Sa mabuting balita ayon kay San Juan, maaalala nating sinabi ni Hesus kay Pilato sa harap ng nagbabadyang karahasan sa kanyang pagpapakasakit, “Ako ang Katotohanan.” Si Hesus, ang katotohanan, ay humarap sa karahasan nang may buong paninidigan at ganap na pag-ibig para sa atin. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay patunay na laging mananaig ang katotohanan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng truth-telling sessions ng Truth Commission, sundan natin ang yapák ni Hesus at dalhin ang katotohanan. Nawa’y mapakinggan natin at maibahagi ang kuwento ng mga biktima ng war on drugs. Sa pakikinig at pagsisiwalat sa katotohanan, nagiging kabahagi tayo sa pagbibigay ng liwanag sa madilim na yugto ng ating kasaysayan, kung saan libu-libo ang pinatay at naulila. Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa liwanag at ilawan ang katotohanan. 

Sumainyo ang katotohanan.  

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,069 total reads

 222,069 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,800 total reads

 253,800 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,624 total reads

 355,624 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,185 total reads

 396,185 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 407,964 total reads

 407,964 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 222,070 total reads

 222,070 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,801 total reads

 253,801 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,625 total reads

 355,625 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,186 total reads

 396,186 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top