Imbestigasyon sa Extra Judicial Killings, pinangangambahang mauuwi sa wala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total reads

Nangangamba ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity na mauuwi na naman sa wala at technicalities ang imbestigasyon ng Department of Justice, Philippine National Police at Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs at Senate Justice Committee sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.,na isa sa mga extra-judicial killing cases sa war on drugs ng pamahalaan.

Kaugnay nito, hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng kumisyon ang taumbayan na maging mapagmatyag, magsalita at huwag manahimik upang matigil na ang tumataas na bilang ng EJK sa bansa at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga otoridad.

Umaasa din ang Obispo na tunay na mabibigyang kasagutan ng mga isinasagawang imbestigasyon ang dahilan ng pagkamatay ni Espinosa sa kamay ng mga operatiba ng PNP-CIDG Region 8.

“Ewan ko lang kung gaano kabilis ang imbestigasyon at kung sinong mananagot diyan. Nakakatakot baka yan ay mauwi lang naman sa mga technicalities. Masama yung tayong mga Filipino parang akala nila sa atin walang alam, na kahit na ano ay puwedeng patunayan na gawin. So ganun na ba sila kamanhid sa mga tao? Kaya dapat ang mga tao ay magsalita na rin at hindi dapat manahimik kasi nakita natin kung anong nangyari sa isang Mayor na may kapangyarihan, paano yung ibang mga taong maliliit?” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Unang binigyang diin ng Commission on Human Rights na maaring ituring na kabilang sa mga kaso ng Extra Judicial Killings ang pagkamatay ng sumukong alkalde na namatay mismo sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Provincial Jail.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, tinatayang umaabot na sa higit 4 na libo ang napatay sa ilalim ng patuloy na War on Drugs ng pamahalaan mula noong buwan ng Hulyo kabilang na ang ilang mga kusang sumuko sa ilalim ng programa ng PNP na Oplan Tokhang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,513 total reads

 23,513 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,604 total reads

 57,604 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,087 total reads

 94,087 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,298 total reads

 112,298 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,386 total reads

 195,386 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top