Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang mundong walang nuclear weapons

SHARE THE TRUTH

 393 total views

Mga Kapanalig, mistulang mga batang nagtutuksuhan ang mga lider ng Estados Unidos at North Korea sa kanilang patutsadahan tungkol sa kani-kanilang puwersang nuklear o nuclear arsenal. Nagsimula ito sa talumpati noong bagong taon ni Kim Jong-un, ang lider ng North Korea, kung saan binantaan nito ang Estados Unidos na kumpleto na ang nuclear arsenal ng kanyang bansa, at nasa mesa lamang niya ang button o pindutan sakaling maghamon ang kanyang kalaban ng giyera. Idinaan naman sa social media ni Donald Trump, ang pangulo ng Estados Unidos, ang kanyang sagot. Aniya, mas malaki at totoong gumagana ang kanyang nuclear button.

Nagiging karaniwan na nga yata ang mapanutya, mababaw, at malabong mga pananallita sa mga matataas na lider. Sa halip na magbigay ng makatwiran, seryoso, at malinaw na tugon sa mga seryosong isyu gaya ng tensyong maaaring humantong sa digmaang nuklear, pinipili ng mga pinunong ito na gumamit ng mga salitang walang maayos na diwa, may halong kabastusan, at walang tono ng paggalang sa kanilang pinatutungkulan.

Buti na lamang at diplomatiko ang naging pahayag ng ating pamahalaan tungkol sa pagkabahala nito sa pag-testing ng mga armas ng North Korea noong Nobyembre. Nanawagan din tayo ng makahulugang pegresolba sa hidwaan sa pagitan ng North Korea at South Korea. Ngunit ano kaya ang masasabi ng pamahalaang Pilipinas sa mga bansang tila ba naghahamon pa sa North Korea gaya ng Estados Unidos? O kaya naman ay sa China at Russia na mayroon ding nuclear weapons?

Mga Kapanalig, malaking banta sa kapayapaan ng buong mundo ang pagmamalaki ng North Korea tungkol sa mga armas-nuklear nito, lalo pa’t nitong nakalipas na taon, sunud-sunod ang pagsasagawa nito ng missile launches, kabilang ang tatlong intercontinental ballistic missiles na maaaring umabot sa malalayong bansa kabilang ang Pilipinas. Maaaring marami sa atin ang nag-iisip na hindi naman madadamay ang Pilipinas kung hindi tayo makikialam. May iba rin sigurong nagsasabing mas maraming problema ang Pilipinas kaysa sa nuclear war sa pagitan ng mga nagkakairingang mga bansa. Para sa iba marahil, hindi dapat seryosohin ang pagpapalitan ng banta ng mga lider ng North Korea at Estados Unidos. Ngunit tandaan sana nating hindi tayo nabubuhay nang hiwalay sa ibang mga bansa, kaya’t mahalagang sinusubaybayan natin ang mga nagbabadyang panganib at mga pangyayaring may malawak na epekto sa buhay ng lahat.

Kaya ang Simbahan, bilang kasapi ng pandaigdigang pamayanan at sa pagganap ng tungkulin nitong itaguyod ang kapayapaan sa mundo, ay nananawagan din ng seryosong pagtugon sa banta ng digmaan. Ngunit higit sa mapayapang pag-uusap ng mga bansa, naninindigan ang Simbahan, sa pamamagitan ni Pope Francis, sa tinatawag na “integral disarmament.” Tumutukoy ito sa hindi na pagkakaroon ng mga bansa ng mga sandata, lalo na ang mga “weapons of mass destruction” gaya ng mga nuclear weapons. Para kay Pope Francis, sinasalamin ng pagkakaroon ng mga bansa ng nuclear weapons ang aniya’y “mentality of fear”, o takot na namamayani sa mga kaisipan ng mga pinuno at mamamayan. Ibig sabihin, may mga bansang naglilinang at nag-iimbak ng mga armas dahil sa paniniwalang sa pamamagitan ng mga ito, malalampasan nila ang kanilang takot at kawalan ng kumpiyansa. Binigyang-diin pa ni Pope Francis ang puntong ito: “Hindi dapat maging bihag ang ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa ng puwersang militar, pananakot, at pagyayabang ng dami, laki, at lawak ng pinsalang magagawa ng kanilang mga armas.”

Maaaring mag-taingang-kawali lamang ang mga lider ng North Korea at Estados Unidos sa sinasabi ng mga bansang tulad ng Pilipinas at ng Simbahang Katolika, ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa. Patuloy nating ipagdasal ang ating mga lider sa pamahalaan at Simbahan upang sa pamamagitan nila, makarating tayo sa isang mundong walang nuclear weapons.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 8,115 total views

 8,115 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 26,847 total views

 26,847 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 43,434 total views

 43,434 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 44,702 total views

 44,702 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 52,153 total views

 52,153 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 8,116 total views

 8,116 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 26,848 total views

 26,848 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 43,435 total views

 43,435 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 44,703 total views

 44,703 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,154 total views

 52,154 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 52,560 total views

 52,560 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,262 total views

 45,262 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 80,807 total views

 80,807 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 89,683 total views

 89,683 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 100,761 total views

 100,761 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,170 total views

 123,170 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 141,888 total views

 141,888 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 149,637 total views

 149,637 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 157,808 total views

 157,808 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top