Pakikiisa at pakikipag-ugnayan, mensahe ng Replica procession ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total views

Pakikiisa at pakikipag-ugnayan ang mensahe ng isinasagawang Replica Procession ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ito ang ibinahagi ni Msgr. Hernando Coronel – Rector ng Minor Basilica of the Black Nazareno Quiapo Church kaugnay sa Replica Procession na isinasagawa dalawang araw bago ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazarezo.

“Ang replika ito ay larawan, ito’y imahen ng indibidwal, yung pamilya, yung kumunidad,yung balangay kanila ito, at ngayon isinasama ito sa prosesyon ng hari sa araw na ito. So ito ay ang pakikiisa saka soliridad at pakikipag-ugnay kaya makikita natin na yung ito galing pa sila sa iba’t ibang mga lugar at saka sa iba’t ibang bahagi ng bansa, so maganda itong Replica Procession at very festive at masaya.” pahayag ni Msgr.Coronel sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ng Pari, makikita sa iba’t ibang kasuotan at ayus ng mga replika ng imahen ng Poong Hesus Nazareno ang pagiging malikhain at katangi-tanging ekspresyon ng mga mananampalatayang Filipino sa kanilang debosyon.

Gayunpaman, nilinaw ni Msgr. Coronel na dapat pa ring mangibabaw ang paggalang sa imahen na Mahal na Poong Hesus Nazareno na nagpapakita ng kalbaryo ni Hesus, ang bugtong na anak ng Diyos at Prinsipe ng kapayapaan mailigtas lamang ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Umaasa rin ang pamunuan ng Quiapo Church na nawa ay sa pangangalanga ng imahen ng bawat grupo o balangay ay mas makatulong rin ito sa pagpapanibago ng buhay at pagpapalalim ng pananampalataya ng bawat mananampalataya.

Batay sa tala ng Quiapo Church, umabot sa halos 1,000 replika ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang nakiisa sa Replica Procession kabilang na ang 600 replica ng iba’t-ibang samahan o balangay na nagpatala sa Simbahan at higit 400 maliliit na replika ng imahen na dala ng mga deboto na nakiisa sa prosesyon na nagsimula sa Plaza Miranda pabalik ng Quiapo Church.

Ngayong taon unang inilabas at iprinosisyon ang imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng Simbahan ng Quiapo na sinundan ng replika ng imahen mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 15,405 total views

 15,405 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 24,769 total views

 24,769 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 51,225 total views

 51,225 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 101,324 total views

 101,324 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 105,732 total views

 105,732 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top