Deboto, inaasahang dadagsa sa traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Diocese ng Tagum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Inaasahan ng Diocese of Tagum na madodoble ang mga deboto na dadagsa sa kanilang isasagawang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

Inihayag ni Rev. Fr. Emerson Luego, Kura Paroko ng Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Tagum City na mula sa 10,000 deboto na nakiisa noong nakalipas na taon ay maaari pa itong madoble o matriple sapagkat dumarami na ang nagde-debosyon mula sa karatig lalawigan ng Davao del Norte.

Dahil dito, inaasahan ni Father Luego na maaring umabot ng 4 hanggang 5-oras ang Traslacion sa lalawigan mula sa 3-oras na prusisyon noong nakalipas na taon.

Tiniyak ng pari na nakahanda o all set na ang Diocese of Tagum para sa ikalawang Traslacion na isasagawa para sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

“We are expecting na marami talaga bukas at hinahanda na namin yung security concern, nakadetalye din yung seguridad at saka yung sa traffic all set na din na bawat mga kalye may patrol cars at saka ambulance, nakikipag-coordinate din kami sa iba’t ibang grupo ng disaster team namin so in place na po lahat, reading ready na kami.” pahayag ni Father Luego sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Pari, taong 2016 ng unang bumisita sa Diocese of Tagum ang imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno mula sa Quiapo Church ay dinagsa ito ng mga deboto mula sa buong Mindanao partikular na mula sa Butuan, General Santos, Cotabato at Agusan del Norte.

Taong 2017 ng unang isinagawa ang Traslacion sa Diocese of Tagum matapos na magkaloob ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang Quiapo Church na naglalayong mas maipalapit ang debosyon sa mga deboto ng Poong Nazareno sa mga taga-Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 46,460 total reads

 46,460 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,253 total reads

 96,253 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,124 total reads

 144,124 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,073 total reads

 248,073 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 331,814 total reads

 331,814 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top