Traslacion ng Poong Hesus sa Cagayan de Oro para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

I-aalay ng Archdiocese of Cagayan de Oro para sa kapayapaan sa buong Mindanao ang isasagawang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa lalawigan.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma nawa ay magbunga ng mas malawak na pag-unawa sa bawat mamamayan sa Mindanao ang debosyon sa Poong Hesus Nazareno upang masilayan na ng rehiyon ang matagal ng hangad na kapayapaan at pagkakaisa.

“Inaasahan natin na sa pamamagitan nitong debosyon ay magkakaroon tayo ng unawa, talino at kapayapaan sa Mindanao at ito din ang indikasyon sa ating lahat na nakikiisa tayo sa ating panalangin at ang inaasahan nating pagsikat ng kapayapaan sa Mindanao…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Arsobispo, nagsimula ang malalim na debosyon at pagsasagawa rin ng Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Cagayan de Oro 7-taon na ang nakalilipas matapos na ipagkaloob ng Quiapo Church sa arkidiyosesis ang pangalawang replika ng imahen na agad nakahimok ng malawak na debosyon mula sa mga mananampalataya.

Dagdag pa ni Archbishop Ledesma ang debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay hindi lamang sumisimbolo sa personal na pakikiisa ng mga deboto sa sakripisyo ni Hesus kundi maging sa paghihirap ng ating mga kababayan sa buong Mindanao.

“Nagsimula ito mga 7 taon sapagkat binigyan kami ng replica ng Black Nazarene ng Quiapo Church so mukhang ito rin ang pangalawang replica ng imahen ng Black Nazarene at ito ang pag-imbita ng debosyon dito sa Black Nazarene. Ang ibig sabihin na itong Black Nazarene devotion ay nakikiisa tayo sa sakripisyo ni Hesus dahil sa ating lahat at ito rin ang isang indikasyon na ating pakikiisa sa mga suffering dito sa atin at sa iba pang lugar sa Mindanao.” Dagdag pa ni Archbishop Ledesma.

Ngayong taon, tinatayang aabot sa 120,000 ang mga deboto na makikiisa sa ika-8 Traslacion sa Archdiocese of Cagayan de Oro na kauna-unahang pinahintulutan ng Quiapo Church na magsagawa ng kaparehong prusesyon ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Magsimula ang Traslacion sa St. Agustine Metropolitan Cathedral sa Cagayan de Oro ganap na 5:00 ng umaga at magtatapos sa Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 220,349 total reads

 220,349 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 255,022 total reads

 255,022 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 270,922 total reads

 270,922 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 307,412 total reads

 307,412 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 312,919 total reads

 312,919 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,952 total reads

 47,952 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top