Isantabi ang pulitika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Isantabi ang ‘kulay ng pulitika’ at magkaisa ang sambayanan para ipagtanggol ang katotohanan at demokrasya.

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) bilang tugon sa ‘liham pastoral’ ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle hinggil sa ‘Crisis of Truth’ na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

“Magnilay at magdasal, sa palagay ko magandang magsimula doon at para lang sabihin na hindi natutulog ang simbahan, nagmamatiyag at tayo ay hindi natutulog. Nakamatiyag, nagninilay at binabasa kung ano yung sign of the signs at pagdating ng kinakailangng panahon at siguro hindi pa ngayon nakahanda tayong kumilos para ipagtanggol ang kapakanan ng bayan,” ayon kay Fr. Gariguez.

Umaasa si Fr. Gariguez na magbunga ang pagdarasal at pagninilay sa higit pang pagkamulat ng simbahan at mamamayan para ipagtanggol ang kapananan ng bayan.

“Sa ngayon wala na yung kulay kulay na ‘yan dapat ay ang mahalaga ay manindigan sa kawalang katarungang nangyayari, regardless kung ano yung kulay mo huwag na yung mag babranding-branding dito ka o ganyan, basta may puso kang Pilipino nagmamalasakit sa mamayanan yun yung batayan,” paliwanag ni Fr. Gariguez.

Sa pastoral statement, bukod sa pagdarasal at pagpapatunog ng kampana hinikayat ni Cardinal Tagle sa mga pari, relihiyoso at layko na bumuo ng study group para talakayin ang mga usapin ng bansa partikular na ang usapin ng Quo Warranto, Charter Change, at Federalism.

Sa ganitong paraan ayon kay Cardinal Tagle ay magkakaroon ng sapat na pang-unawa ang publiko sa mga isyu ng bayan na makakatulong sa kanilang pag-papasya at pagsuri sa paghahanap ng katotohanan.

Giit ni Cardinal Tagle, nagkakaroon ng kalituhan ang publiko sa katotohanan dahil na rin sa magkakaibang interpretasyon ng mga eksperto sa batas partikular sa usapin ng ‘Quo Warranto’ na siyang ginamit na proseso sa pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagdulot din ng pagkakahati-hati ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,075 total reads

 49,075 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,772 total reads

 128,772 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,219 total reads

 162,219 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,517 total reads

 197,517 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,130 total reads

 422,130 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,114 total reads

 16,114 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top