Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isinangkalan na naman ang mga mahihirap

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Mga Kapanalig, daig pa ng epekto ng isang malakas na bagyo ang iniwang pinsala ng low pressure area na nagbuhos ng napakaraming ulan sa Hilagang Mindanao, partikular na sa lungsod ng Cagayan de Oro. Sa lawak ng baha at laki ng halaga ng pinsalang dala ng ilang araw na pag-ulan, isinailalim ang lungsod sa state of calamity.

Sa tingin ng pamahalaang lungsod ng Cagayan de Oro, may dalawang sanhi ang trahedyang ikinasawi ng tatlong tao at ikinasira ng mga ari-arian. Una ay ang luma at hindi na maayos na drainage system o daluyan ng tubig. Ayon sa alkalde ng lungsod, dekada sisenta pa nang huling kumpunihin at isaayos ang mga kanal at estero sa lungsod.

Ang ikalawang dahilan ng malawakang pagbaha ay ang mga pamilyang nakatira sa mga bahay na nakatayo sa paligid ng mga daluyan ng tubig. Paliwanag ng mayor, ang mga informal settlers ang pinagmulan ng mga basurang bumara sa mga daluyan at labasan ng tubig. Kaya naman, nais ng pamahalaang lungsod na ilipat ang mga pamilyang nakatira sa gilid ng creek at mga estero. Isinangkalan na naman ang mga mahihirap upang pagtakpan ang mga pagkukulang sa pagsasaayos ng mga lungsod.

Hindi na bago ang ganitong pag-iisip ng ilang pinuno sa ating pamahalaan. Sa Metro Manila, ginamit ng mga pamahalaang lungsod ang isang mandamus o kautusan ng Korte Suprema upang alisin ang mga pamilyang naninirahan sa mga itinuturing na “danger areas” gaya ng mga pampang ng ilog at estero. Inatasan ng Korte Suprema ang mga lokal na pamahalaan na linisin ang mga ilog sa kani-kanilang lugar na dumadaloy sa Manila Bay. Nagresulta ito sa malawakang paglilipat ng mga pamilya sa mga resettlement sites na itinayo ng pamahalaan sa labas ng Metro Manila gaya ng Bulacan at Cavite. Ganito marahil ang naiisip na pagtugon ng pamahalaang lungsod ng Cagayan de Oro—nabalitaan na kaya nila ang kalagayan ng mga pamilyang inilikas mula sa Metro Manila patungo sa mga lugar na malayo sa mga hanapbuhay at pangunahing serbisyo gaya ng mga ospital?

Walang mali sa layuning linisin ang mga daluyan ng tubig sa ating mga lungsod, ngunit bakit laging kasabay nito ang paglilipat ng mga mahihirap nating mga kababayan palabas ng mga lungsod? Bakit tuwing may pagbaha, palaging nababaling ang sisi sa mga informal settlers? May mga nagsasabing ang malawakang pagtotroso o logging sa kabundukan sa paligid ng lungsod ang dahilan ng flash flood. Bakit hindi ito ang pagtuunan ng pansin? Bakit hindi ang mga taong nasa likod nito ang papanagutin ng pamahalaan?

Gayunman, mahalagang tiyaking ligtas ang mga pamilya sa anumang banta sa kanilang buhay at ari-arian. Kung matuloy man ang paglilipat ng mga informal settlers sa Cagayan de Oro, sana ay maiwasan nito ang mga pagkakamali rito sa Metro Manila upang maiwasang lalo pang maghirap ang mga apektadong pamilya. Gaya ng paalala ni Pope Francis sa Laudato Si’, sa mga kasong kailangang ilipat ang mga pamilyang mahirap at walang katiyakan sa paninirahan, at upang hindi na madagdagan ang hirap na kanilang dinaranas, dapat silang bigyan ng sapat na impormasyon, malinaw na pagpipiliian, at pagkakataong makalahok sa proseso.

Mga Kapanalig, huwad ang kaunlaran ng isang lungsod kung may mga kasapi nito na isinasantabi at iniiwan. Sa Evangelii Gaudium, inilarawan ng ating Santo Papa ang isang mabuti at magandang lungsod: isang lungsod na kayang burahin ang kawalang tiwala ng mga tao sa isa’t isa at kayang pagbuklurin ang mga tao sa kabila ng kanilang pagkakaiba-iba. Ang mga katangiang ito, mungkahi ni Pope Francis, ay mainam na gamiting salik ng kaunlaran.

Bakit hindi natin pag-isipan kung paano magkakaroon ng isang lungsod para sa lahat o ang tinatawag na “inclusive city” sa halip na itaboy ang mga mahihirap palabas?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,191 total views

 9,191 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 23,959 total views

 23,959 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 31,082 total views

 31,082 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,285 total views

 38,285 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 43,639 total views

 43,639 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,192 total views

 9,192 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 23,960 total views

 23,960 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 31,083 total views

 31,083 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 38,286 total views

 38,286 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 43,640 total views

 43,640 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,342 total views

 43,342 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,676 total views

 35,676 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 75,256 total views

 75,256 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,810 total views

 82,810 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,693 total views

 78,693 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 90,240 total views

 90,240 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,347 total views

 94,347 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 71,244 total views

 71,244 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 71,212 total views

 71,212 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 70,563 total views

 70,563 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top