Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isulong ang rebolusyon ng pagbabago hindi rebolusyon ng armas

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Hinimok ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mananamplataya na palakasin ang pananampalataya upang magkaroon ng pagbabago sa sarili at lipunan.

Ito ang panawagan ni Cardinal Tagle sa thanksgiving mass sa Minor Basilica of Immaculate Conception para sa naging canonization ni Mother Teresa of Calcutta.

Pinuna ni Cardinal Tagle ang nangyayari ngayon na naiiba ang pinagmumulan ng lakas na hindi galing sa pananampalataya at pag-ibig.

Tinukoy ng Kardinal na mas inaasahan at tinatangkilik ngayon ng tao ang lakas na nanggaling sa pera, sa kapangyarihan, sa posisyon at dahas sa halip na mula sa pananampalataya.

“Mga kapatid ito po ang una nating dapat ipagdiwang ang lakas ng pananampailataya para sa sariling pagbabago at pagbabago ng lipunan. Ang mundo natin ngayon para mabago ang sarili at ang lipunan ay umaasa tayo sa lakas ng pera, lakas ng posisyon, lakas ng kapit, lakas ng dahas.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang tunay na pagbabago sa lipunan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng lakas ng pananampalataya at pag-ibig sa Diyos tulad ni St. Teresa of Calcutta na puno ng pag-ibig at pananampalataya sa Diyos na naging Santo at banal na nagpapabago sa ibang tao at sa sangkatauhan.

“Minahal tayo ni Hesus at kapag siya ay kaulayaw natin maraming mababago at maraming kaya nating baguhin sa tahimik na paraan hindi nagyayabang, hindi tumatawag ng atensiyon sa sarili, hindi naghihintay ng papuri subalit tunay ang pagbabago kapag ang pinagmumulan nito ay ang pananampalataya at pag-ibig ng panginoon.”pahayag ni Cardinal Tagle

Hinimok ng pangulo ng Caritas Internationalis ang mga mananampalataya na huwag kalilimutan at sasayangin ang pinakamalakas na regalong bigay ni Hesus sa atin na pananampalataya.

Tiniyak ni Cardinal Tagle na kung buhay ang Diyos sa atin ay mas malakas tayo at ang lakas natin hindi nagmumula sa sarili at sa ating mga magagamit kundi mangagaling kay Hesus at ang kanyang pag-ibig.

“Kung talagang nagmamahal kayang magbago, ang pag-ibig ang may puwersa para sa pagbabago. Iyan ang ginawa ni Hesus at yan ang ginagawa ng mga Santo, ipakita sa atin sinasabi nga nila the revolution of love. Hindi rebolusyon ng armas at ng dahas kundi rebolusyon ng pagbabago dulot ng pag-ibig, pakikipagkapwa tao at paggalang sa tao.” giit ni Cardinal Tagle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 1,915 total views

 1,915 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 14,363 total views

 14,363 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 49,537 total views

 49,537 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 56,953 total views

 56,953 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 58,064 total views

 58,064 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 36,379 total views

 36,379 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 36,389 total views

 36,389 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 36,409 total views

 36,409 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top