Itigil ang kultura ng karahasan laban sa mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Mga Kapanalig, maliban sa pagging Araw ng mga Yumao, ang ikalawang araw ng Nobyembre ay itinuturing ding “International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.” Sa pamamagitan ng isang resolusyon, hinihikayat ng United Nations ang mga bansang kasapi nito na na magsagawa ng mga hakbang upang matigil ang kultura ng karahasan laban sa mga mamamahayag.

Dito sa Pilipinas, lumalabas sa mga pag-aaral na sa loob ng nakaraang sampung taon, isa lamang sa bawa’t sampung kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag ang nauwi sa conviction o pagpapanagot sa pumatay. Marahil ay sariwa pa sa inyong alaala ang malagim na Maguindanao massacre na naganap noong 2009 at itinuturing sa buong mundo bilang pinakamadugong kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag.

Bakit kaya sadyang nais bigyang-pansin at halaga ng United Nations ang isyu ng karahasan laban sa mga mamamahayag? Balikan natin ang papel, tungkulin, at halaga ng media o ng komunikasyon sa ating buhay-panlipunan. Itinuturing ang media bilang isang mahalagang haligi ng demokrasya sapagkat ito ang kumakatawan ng kalayaan sa pamamahayag na isang saligang karapatan ng bawat mamamayan. Araw-araw, sa media tayo kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa ating lipunan. Dahil sa teknolohiya, lalo pang lumalawak ang ating kaalaman hindi lamang tungkol sa mga nagaganap sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kung wala ang media, mistulang napakaliit ng ating mundo at magiging limitado ang alam ng mga tao upang makalahok sila sa mga pagpapasya tungkol sa mga pampublikong usapin. Sa madaling salita, hindi posible ang demokrasya kung wala ang media.

Ang media ay tinitingnan rin bilang tagasubaybay sa mga kilos ng pamahalaan. Sapagkat may angking malaki at malawak na kapangyarihan ang gobyerno, ang media ang tumatayong tagamasid, tagabantay, at tagapaghatid ng impormasyon sa mga mamamayan. Kung hindi ginagawa ng media ang kanyang tungkulin o kaya naman ay kung kontrolado ng gobyerno ang media, kayang-kaya ng gobyernong abusuhin ang kapangyarihan nito upang gumawa ng mga masasama at tiwaling bagay nang hindi nalalaman ng taong-bayan. Kung pinapatay o pinatatahimik ang mga mamamahayag, ito ay indikasyon na may nagaganap na ‘di makatarungan o ‘di wasto sa isang lipunan. Kung nagiging laganap ang pagpatay sa mga mamamahayag, nararapat lamang na mabagabag ang mga tao.

Gayunman, may isang mamamahayag na nagsabi kamakailan sa isang panayam na tila ba laganap sa kanilang hanay ngayon ang pangingimi. Matatandaang noong bagong halal si Pangulong Duterte, nakapagbitiw siya ng salita na ang mga mamamahayag na napapatay ay maaring tiwali kaya sila napapatay. At ngayong mainit ng usapin tungkol sa extra-judicial killings na bumibiktima ng mga ordinaryong tao, sinasabing nakakaapekto ito sa paglaganap ng tinatawag na culture of impunity, sapagka’t hindi napapanagot at tila ba ‘di na kailangang papanagutin ang mga pumapatay sa karaniwang mamamayan. Pangamba ng mamamahayag, ganito rin marahil ang maaaring sapitin ng mga napapatay na mamamahayag.

Itinuturo ng ating Simbahan na ang tunay na pamamahayag at komunikasyong panlipunan ay maituturing na isang paglalakbay mula sa kaguluhan at ‘di pagkakaunawaan ng Babel tungo sa kaliwanagan at pagkakapatiran ng Pentekostes. Ang bunga ng makatotohanang pamamahayag ay kaliwanagan sapagka’t ang katotohanan ay naibubunyag at naipaaalam sa nakararami na silang kikilatis sa kung ano ang totoo at alin ang matuwid. Ang wastong komunikasyon at pamamahayag ay magdadala sa atin sa pagkakaunawaan dahil sa kapangyarihan ng Espiritu na sugo ni Hesus.

Kaya naman, mga Kapanalig, sa panahong ito kung kailan tila ‘di mawari ng mga tao kung ano ang paniniwalaan, kailangan natin ng mga mamamahayag na puspos ng Espiritung ito. Kailangan natin ang mga mamamahayag na may tibay ng loob upang samahan tayo sa ating pagtawid mula sa kalituhan ng Babel tungo sa liwanag ng Pentekostes.  

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 47,118 total reads

 47,118 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 84,556 total reads

 84,556 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 119,855 total reads

 119,855 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,125 total reads

 346,125 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 236,827 total reads

 236,827 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 47,119 total reads

 47,119 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 84,557 total reads

 84,557 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 119,856 total reads

 119,856 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,126 total reads

 346,126 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top