Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Iwaksi ang diskriminasyong batay sa kasarian

SHARE THE TRUTH

 318 total views

Pagpupugay sa lahat ng mga Kapanalig nating babae ngayong National Women’s Month!

Ang pagtatalaga sa buwan ng Marso bilang buwan ng kababaihan at sa ika-8 ng Marso bilang National Women’s Day ay paraan ng pamahalaan upang hikayatin ang lahat na kilalanin ang mahalagang ambag ng mga babae sa ating lipunan at itaguyod ang kanilang mga karapatan. Gaya ng mensahe ng tema ng National Women’s Month na “We Make Change Work for Women”, mahalaga ang papel ng mga babae sa pag-unlad ng ating lipunan, kaya’t nararapat lamang na matamasa at mapakinabangan nila ang positibong pagbabagong ginawa nilang posible, sila man ay nasa kani-kanilang pamilya, trabaho, o pamayanan.

Ngunit mukhang malayo pa ang ating tatahakin hanggang sa marating natin ang isang lipunang hindi tinitingnan ang babae bilang mas mababa sa lalaki. Sa ngayon kasi, patuloy na nakararanas ng pang-aabuso at pagsasantabi ang mga babae, at matatagpuan ang karahasang ito sa mismong tahanan nila. Ayon sa National Demographic and Health Survey (o NDHS), isa sa bawat limang babaeng kasal o nakikipag-live in noong 2017 ay nakaranas ng emosyonal na pang-aabuso sa kanilang asawa o kinakasama. Labing-apat na porsyento naman ang sinaktan nang pisikal, habang 5% ang nakaranas ng sekswal na pang-aabuso gaya ng rape.

Sa report naman ng World Bank noong 2012, lumitaw na katumbas lamang ng 76% ng sinasahod ng lalaki ang sinasahod ng babae sa Pilipinas, kahit pa magkatulad ang kanilang trabaho o posisyon sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ibig sabihin, kung piso ang naiuuwi ng lalaki, 76 sentimos lang ang naiuuwi ng babae. Ayon pa sa report, kadalasan din daw na nasa maliliit na kompanya, sa informal sector, at mga trabahong mababa ang pasahod ang mga Pilipina.
Sa larangan naman pulitika, bagamat may mga babae tayong lider, nakararami pa rin ang mga lalaking lider na kinabibilangan ng mga lantarang binabastos ang mga babae. Mismong ang pangulo ng ating bansa, walang preno sa pagbibitiw ng mga salita—biro man o totoo—na walang paggalang sa mga babae. Hindi lamang po kinukunsinte at hinihikayat ng ganitong mga pahayag ang pambabastos sa mga babae, ginagawa ng mga ito na “normal” at katanggap-tanggap ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae. Delikado po ito, mga Kapanalig.

Sa kabila ng mga puná tungkol sa umano’y pagkakahon nito sa mga lalaki at babae, ang Simbahan ay kasama natin sa pagsusulong ng dignidad at karapatan ng mga babae. Ito ay nagmumula sa prinsipyong ang bawat isa ay kinakailangang tingnan ang kanyang kapwa, babae man o lalaki, nang walang pagtatangi at parang isa pa niyang sarili o “another self”. Bilang mga likha ng Diyos, lahat tayo, anuman ang ating kasarian, ay may angking dignidad, at lahat din tayo, iniligtas ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus.

Kaya’t bilang mga Kristiyano, tungkulin nating labanan ang mga tinatawag na “sinful inequalities” at kasama rito ang mababang pagtingin sa mga babae na humahantong sa pang-aabuso sa kanila at hindi pagkilala sa kanilang mga karapatan at kontribusyon sa kaunlaran ng ating bayan. Kaakibat ng labang ito ang pagtiyak na tama ang kanilang sinasahod at nabibigyan silang lahat ng pagkakataong umunlad.

Sa huli, walang saysay ang mga patakaran at gawaing pinangungunahan ng pamahalaan upang isulong ang karapatan ng mga babae kung marami pa rin ang naniniwalang mas nakahihigit ang mga lalaki sa mga babae, kung marami ang hindi kayang makita ang kanilang sarili sa kanilang kapwang iba ang kasarian.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,291 total views

 83,291 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,066 total views

 91,066 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,246 total views

 99,246 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,778 total views

 114,778 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,721 total views

 118,721 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,292 total views

 83,292 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 91,067 total views

 91,067 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,247 total views

 99,247 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 114,779 total views

 114,779 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 118,722 total views

 118,722 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,535 total views

 60,535 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,706 total views

 74,706 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,495 total views

 78,495 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,384 total views

 85,384 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,800 total views

 89,800 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,799 total views

 99,799 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,736 total views

 106,736 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,976 total views

 115,976 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,424 total views

 149,424 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,295 total views

 100,295 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top