Stop the klllings

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Panawagan para mahinto na ang patayan, ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan at pagtatapos ng batas militar sa Mindanao ang misyon ni Biking Priest Fr. Amado Picardal sa isasagawang ‘Bike for Peace’ mula Manila hanggang sa Mindanao.

Ayon kay Fr. Picardal sa loob ng 15-araw ay iikutin niya ang Manila hanggang Mindanao na may layong 1,500 kilometro at magdiriwang ng misa sa bawat simbahan na kaniyang tutuluyan.

“I’ll be preaching about message of life and peace,” ayon kay Fr. Picardal.

Ang 64-taong gulang na Redemptories priest ay tubong Iligan City at kasalukuyang executive director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Committee on Basic Eccelesial Community (CBCP-ECBEC).

Ang send off mass ay isasagawa sa Miyerkules (March 14), ika-8 ng umaga sa Baclaran Church.

Taong 2008 nang magsimula ng kaniyang biking mission si Fr. Picardal na nasundan noong 2014.

Pangunahing panawagan noon ni Fr. Picardal ang imulat ang publiko hinggil sa ‘climate change’ na nagdudulot ng labis na pinsala sa bansa dahil sa mapipinsalang bagyo kabilang na ang bagyong Sendong (2011), Pablo (2012), Yolanda at Ruby (2013).

Inaanyayahan din ng pari ang publiko na naniniwala sa kanyang adbokasiya na makiisa sa kanyang hangarin at iniimbitahan na sumabay sa kaniyang Bike for Peace.

“I’d like to appeal to people na suportahan ang aking panawagan na ‘to end extra judicial killings and let’s focus on the healing and to resume the peace talks and end martial law in Mindanao,” ayon kay Fr. Picardal.

Ilang pari rin ang inaasahang makikisabay sa pagbibisikleta ni Fr. Picardal kasama na dito ang tinaguriang ‘running priest’ na si Fr. Robert Reyes.

PNP power to subpoena

Nangangamba rin ang pari sa nilagdaang batas ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng kapangyarihan sa Philippine National Police na pag-iisyu ng subpoena.

Ayon sa pari na maabuso ang batas.

“I haven’t studied it carefully. Pero as far as I know kasi usually mga judges lang ang may subpoena power. You know the thinking of many it can be abused. As if we are becoming a police state. So that is my concern,” ayon pa kay Fr. Picardal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,905 total reads

 31,905 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 68,635 total reads

 68,635 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,846 total reads

 86,846 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,174 total reads

 171,174 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,109 total reads

 207,109 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top