1,768 total views
Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa paggunita ng Independence Day.
Ayon sa Obispo, kasabay ng pasasalamat sa Panginoon sa kalayaang tinatamasa ng Pilipinas sa nakalipas na 125-taon ay mahalagang makalaya rin ang sangkatauhan mula sa mga masasamang gawain.
Sa tulong din ng pagwawaksi sa kasalanan, iginiit ni Bishop Ongtioco higit na maipapakilala sa kapwa ang naging pagliligtas ng Panginoong Hesus sa sanlibutan.
“We thank the Lord for our independence. We celebrate our freedom. And yet there is a freedom which is equally or more important than this freedom. We are challenged to work continously to be freed from sin and in all its forms… corruption, lies, stealing, injustice, poverty, etc.. unless we are freed from these sins we cannot say we are really free. Jesus came to restore the beauty and dignity of man as one who is created according to God’s image and likeness. Let us free ourselves from sin in all its forms so that we can really claim that we are free,” bahagi ng ipindalang mensahe sa Radio Veritas ni Bishop Ongtioco.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Andres Centino PA ang pangangalaga ng kapayapaan at tinatamasang kasarinlan ng Pilipinas.
Ito ay bilang bahagi sa paggunita ng Araw ng Kalayaan upang mapangalagaaan ang mga Pilipino kasabay ng pagtatanggol sa mayamang kasaysayan at kultura ng
Ngayong taon, tema ng selebrasyon ay ‘Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan’ bilang paggunita sa ika-125 taon ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.