2,029 total views
Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) ang kabataan higit na ang mga mag-aaral na gawing huwaran ang bayaning si Gat Andres Bonifacio.
Ito ang mensahe ni La Union Bishop Daniel Presto, Vice Chairman ng CBCP-ECCCE sa paggunita ng Bonifacio Day na pag-alaala sa kaarawan ng bayani ng bansa.
“Tinulungan niya ang kanyang sarili na magkaroon ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat, Sa kaniyang buhay ay makikita natin ang halimbawa ng taong may pagmamalasakit sa bayan, may pagmamahal s pamilya, at may pagmamahal sa karunungan.”
Inanyayahan din ng mga mag-aaral na kilalanin ang mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga talambuhay upang magkaroon ng kamalayan sa kanilang buhay at paninindigan para sa bansa.
Bilang paggunita sa ika-159 kaarawan ni Bonifacio, pinaigting naman ng sektor ng mga manggagawa ang panawagan ng umento sa sahod, pagkakaroon ng benepisyo at katarungang panlipunan.
Ayon kay Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno, si Bonifacio ay kinikilala ng hanay ng uring manggagawa bilang pangunahing tagapagtanggol katarungan, karapatan at kalayaan ng mga Filipino.