Krusada sa pasada, Inilunsad ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,769 total reads

Inilunsad ng himpilan ng Radyo Veritas ang “Krusada sa Pasada” campaign upang tulungan ang mga Public Utility Vehicle drivers na labis na naaapektuhan ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at pangunahing bilihin.

Ayon kay Radyo Veritas President Fr. Roy Bellen, layunin ng kampanya na maiparating ang kalagayan ng mga driver at makahikayat ng malawak na pakikiisa.

“Sa mga kapanalig, ngayong mga araw na ito, alam na po natin lahat ang hirap ng buhay, lalo na sa ating mga tsuper. Sila po na halos araw-araw bumibiyahe at araw-araw kailangang bumili ng pang-gas para umandar ang kanilang sasakyan. Pero sila po ang hirap na hirap na ngayon,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Bellen.

Sa pamamagitan ng kampanya, magsasagawa ang himpilan ng mga programang magtatampok sa kalagayan ng sektor ng transportasyon at magpapalakas ng kamalayan ng publiko hinggil sa kanilang pinagdaraanan.

Binigyang-diin ni Fr. Bellen ang kahalagahan ng pagkakaisa ng komunidad sa gitna ng umiiral na hamon sa ekonomiya upang sama-samang itong mapagtagumpayan.

“At alam natin na kapag ang mga tsuper, ang ating mga lingkod sa transportasyon, ay nahihirapan, lahat tayo ay damay. Lalo na ang mga taong bumibiyahe at ang mga suplay na kailangang dalhin sa iba’t ibang lugar—lahat ito ay delikado at apektado. Kaya hinihiling ko po sa mga kapanalig na tayo ay maengganyong tumulong sa anumang paraan—sa pamamagitan ng mga inisyatiba at pag-oorganisa sa ating mga komunidad at pamilya—upang makatulong sa ating mga kapatid na tsuper,” bahagi pa ng mensahe ni Fr.Bellen.

Bagamat nagkaroon ng mga magkakasunod na rollback sa presyo kada litro ng mga produktong petrolyo, sa pagsisimula sa buwan ng Abril ay umabot sa
hanggang 120-piso ang kada litro ng gasolina, hanggang 170-piso naman sa kada litro ng diesel at hanggang 150-piso naman ang kada litro ng kerosene.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 116,943 total reads

 116,943 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 161,054 total reads

 161,054 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 210,807 total reads

 210,807 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 370,004 total reads

 370,004 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 391,783 total reads

 391,783 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top