Paracale Gold project, tinututulan ni Bishop Abcede

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,438 total views

Mariing nanindigan si Daet Bishop Herman Abcede laban sa planong pagmimina sa Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte, na pinangangambahang magdulot ng panganib sa kalikasan at buhay ng mga residente.

Ang nasabing proyekto na Paracale Gold Project ng Golden River Mining Corporation ay inaasahang tatagal lamang ng humigit-kumulang pitong taon ngunit maaaring mag-iwan ng pangmatagalang pinsala.

Ayon kay Bishop Abcede, ang pagmimina, lalo na ang open-pit mining, ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya kundi isang moral na hamon na may direktang epekto sa tao at kalikasan.

Aniya, ang ganitong proyekto ay may kakayahang magdulot ng malalim at pangmatagalang pinsala na hindi madaling maibalik.

“Ito ay hamon na hindi natin maaaring takasan. Sapagkat ang usaping ito ay hindi lamang teknikal o pangnegosyo–ito ay usapin ng kalusugan, konsensya, dignidad, at kinabukasan ng tao,” pahayag ni Bishop Abcede.

Ipinaliwanag ni Bishop Abcede na sa mas malalim na pagtingin, ang pagmimina ay nagdudulot ng tatlong sugat—sa kalikasan, sa tao, at sa kaluluwa ng pamayanan—na maaaring hindi na tuluyang maghilom.

Iginiit din niya na hindi dapat isugal ang kinabukasan ng mamamayan kapalit ng kita ng iilan, lalo’t nalalagay sa panganib ang kalusugan, kabuhayan, ugnayan ng pamilya, at kapakanan ng nakararami.

“Hindi natin maaaring paghiwalayin ang kalikasan, kabuhayan, kalusugan, at moralidad. Kapag ang isa ay nasugatan, lahat ay nasasaktan. Ito ay iisang panawagan–panawagan ng Diyos sa Kanyang bayan,” saad ni Bishop Abcede.

Dahil dito, binigyang-diin ng pastol ng Diyosesis ng Daet na hindi maaaring manahimik o manatiling walang paninindigan ang Simbahan at ang mamamayan sa gitna ng seryosong banta sa kapaligiran at buhay.

Aniya, may moral na obligasyon ang lahat na kumilos at ipagtanggol ang kabutihang panlahat.

Dagdag pa ni Bishop Abcede, kailangang tiyakin na ang anumang proyekto ay ligtas, makatarungan, at tunay na nakatuon sa kapakanan ng lahat bago ito pahintulutan.

“Hindi sapat ang pagiging neutral kapag ang buhay ay nalalagay sa panganib. Sa harap ng seryosong banta sa tubig, kalikasan, kalusugan, at kinabukasan, hindi tayo maaaring sumang-ayon sa ganitong uri ng pagmimina hangga’t hindi napapatunayan nang walang pagdududa na ito ay ligtas, makatarungan, at tunay na nakabubuti sa lahat,” giit ng obispo.

Hinamon ng obispo ang pamahalaan na unahin ang buhay kaysa kita, ang kumpanya na maging responsable, at ang mamamayan na maging mulat, magtanong, makilahok, at manindigan para sa tama, at iginiit na ang pag-unlad na may kapalit na pagkasira ay hindi maituturing na tunay na biyaya.

“Kung ang ginto ay kapalit ng tubig, kalikasan, kalusugan, at kinabukasan, hindi ito biyaya kundi tukso na dapat tanggihan. Piliin natin ang buhay. Piliin natin ang kinabukasan. Sapagkat ang tunay na kayamanan ay hindi nakukuha sa paghuhukay ng lupa, kundi sa pag-iingat sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos,” ayon kay Bishop Abcede.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 81,412 total views

 81,412 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 94,989 total views

 94,989 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 123,553 total views

 123,553 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 171,309 total views

 171,309 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 160,691 total views

 160,691 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top