Pope Leo XIV, nanawagan sa mga guro na maging “credible witnesses”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,457 total reads

Isinusulong ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng religious education sa paghubog ng kabataan, kasabay ng panawagan sa mga guro na maging “credible witnesses” ng katotohanan at pag-asa.

Sa kanyang mensahe sa National Meeting of Catholic Religion Teachers na itinaguyod ng Italian Bishops’ Conference noong April 25, binigyang-diin ng Santo Papa na ang paghahanap ng katotohanan at kahulugan ay likas sa bawat tao at hindi dapat isantabi sa proseso ng edukasyon.

Ayon sa punong pastol, mahalagang gabayan ang mga kabataan sa pakikinig sa kanilang kalooban sa gitna ng ingay ng makabagong mundo.

“Teaching, therefore, means forming people to listen to their hearts, and thereby to inner freedom and the capacity for critical thinking,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Iginiit ng Santo Papa na ang pananampalataya at katuwiran ay dapat maging daan upang matuklasan ang katotohanan.

“Faith and reason do not ignore one another, nor indeed oppose one another, but are traveling companions in the humble and sincere search for truth,” dagdag pa ng Santo Papa.

Binigyang-halaga rin ni Pope Leo ang papel ng mga guro bilang huwaran sa mga mag-aaral, na hindi lamang nagbibigay ng kaalaman kundi nagiging saksi sa pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang buhay.

“The truth is conveyed through people… called to be credible teachers because you love God and your students,” aniya.

Hinimok ng Santo Papa ang mga guro na patuloy na maglingkod bilang “choreographers of hope” at mga tagapaghatid ng karunungan sa gitna ng mga hamon sa edukasyon, habang isinusulong ang paghubog sa kabataan na may paggalang, bukas na isipan, at malalim na pag-unawa sa sarili at kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 120,553 total reads

 120,553 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 164,520 total reads

 164,520 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 214,274 total reads

 214,274 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 373,470 total reads

 373,470 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 395,126 total reads

 395,126 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top